– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang layunin ng Pagbasa. Bakit ba ito ginagawa? Tara na’t sabay nating alamin.
Ito ang mga sumusunod na layunin ng Pagbasa:
- Ito ay naglalayon na makapagdag ng kaalaman at mahahalagang impormasyon at ideya sa mga mambabasa.
- Layunin nitong mapaunlad ang ating bokabularyo o talasalitaan.
- Layunin nitong mapaunlad ang ating imahinasyon.
- Layunin nitong mahubog ang ating mapanuri at malikhaing pag-iisip tungkol sa mga bagay-bagay.
- Layunin nitong matuklasan at malinang ang kahalagahan ng pagbabasa para sa bawat isa.
- Layunin nitong makapagpasaya at maging gabay sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
- Layunin nitong magdagdag ng karanasan sa mambabasa na kanilang magagamit sa pang-araw-araw na buhay.
- Layunin nitong magbigay ng aral tungkol sa buhay.