Ano ang Maikling Kwento: Uri at Elemento

-Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang maikling kwento, bahagi, uri at mga elemento nito. Makikita rin dito ang ilan sa halimbawa upang mas maunawaan natin ang paksa. Simulan na natin.

Ano nga ba ang Maikling kwento?

-Ayon kay Edgar Allan Poe, ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito rin ay may layunin na magsalaysay ng isang maselan at nagingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.

URI NG MAIKLING KWENTO

Narito ang mga uri ng maikling kwento:

1. Kwentong Makabanghay

– Ito ay isang uri na nagbibigay diin sa mga maayos na daloy na mga pangyayari o tinatawag ding banghay.

2. Kwento ng Kababalaghan

– Ito ay kwento na may elemento ng puro katatakutan at hindi kapanipaniwala na kung nasa Ingles ay tinatawag na horror.

3. Kwentong Katutubong Kulay

– Ito ay tumutukoy sa mga kapaligiran, tradisyunal, kultura at hanapbuhay ng mga lokal o mga nakatira sa mga tinutukoy o nasabing pook.

4. Kwento ng Katatawanan

– Ito ay isang uri na ang diin niya ay magpatawa at bigyang aliw at saya ang mga mambabasa.

5. Kwento ng Tauhan

– Ito ay isang uri kung saan ang interes at diin ay nasa pangunahing tauhan o protagonista.

6. Kwento ng Pag-ibig

– Ito naman ang kwento na kung saan ang diin ay ang pag-iibigan ng mga pangunahing tauhan at ang katambal nito.

7. Kwento ng Talino

– Ito naman ay punong-puno ng suliranin na hahamon sa katalinuhan ng mambabasa at maaring walang katapusan.

8. Kwento ng Kaisipan o Sikolohiko

-Ito ay isang uri ng kwento na sulok ang pag-iisip ng tauhan at inilalahad ito sa mga mambabasa.

9. Kwento ng Pampagkakataon

– Ito ay isang uri ng kwento na isinulat para isa isang partikular na pangyayari tulad ng new year.

10. Kwento ng Pampagkakataon

– Ito ay isang uri ng kwento na isinulat para isa isang partikular na pangyayari tulad ng new year.

11. Kwento ng Kapaligiran

– Ito naman ang kwento na ang paksa ay ukol sa kalikasan, kapaligiran at lipunan.

MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO

1. Simula

– Sa simula ng isang maikling kwento naipapakilala ang mga tauhan. Hindi katulad ng mga nobela, dapat nang ipakita ang mga tauhan dahil wala ng oras na ipakita ito sa gitna o huling bahagi dahil limitado lamang ang kaganapan sa mga kwentong ito. Dito rin ipinapakita kung saan ang mga tagpuan at suliranin ng kwento.

2. Gitna

-Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.

3. Wakas

-Dito nabubuo ang kakalasan at katapusan. Dito nakikita ang unti-unting pagkababa ng takbo ng isang kwento. Sa bahaging ito, naipapakita ang konklusyon ng probelma at kung paano ito na resolba. Dito rin kadalasang makikita ang gintong aral ng isang kwento.

MGA ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.

2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.

3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:

  • Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.
  • Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.
  • Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
  • Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.
  • Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.

4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.

5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento.

6.Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.

7. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento.

HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO:

“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”

Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang ginawa kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay.Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si Señora Faustina, ay lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao.

Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa Marga Hera. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon.

“Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni Fey, isa sa mga matalik na kaibigan ng dalagita

“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang sa isang taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita.

“Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila sa’yo friend,” sabi ni Bea sa kaibigan.

Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella ng piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan at may mga hindi pa nabubuksan na mga regalo.

Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang tunay na dahilan kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera.

“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila. Maswerte tayo at lumaki tayo kasama ang pamilya natin.

E, sila, doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa tuwing tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa mga magulang nila,” pagpapaliwanag ni Stella.

Hindi naka-imik sina Bea at Fey sa narinig nila. Nagpatuloy si Stella sa pagsasalita at doon nila lubusang naintindihan ang kanilang kaibigan.

“Laking-ampunan si Mommy pero marami ang hindi alam iyon. Noong bata pa ako, palagi niyang kinukwento ang mga naging karanasan niya.

Mahirap raw ang lumaki na walang mga magulang pero nagpapasalamat siya at may mga mabubuting tao na nag-aalaga sa kanila roon,” sabi ni Stella.

Simula noong narinig nila ang mga sinabi ni Stella, ni minsan ay hindi na uli nagtaka sina Bea at Fey sa kabutihang ipinapakita ng kaibigan nila sa mga bata. Lubos nilang naunawaan na labis ang natutunan niya sa karanasan ng kanyang ina.

Aral sa kwentong ito:

-Maging mapagbigay at matulungin sa mga nangangailangan

-Huwag maging matapobre

-Pahalagahan ang mga karanasan ng ibang tao