May dalawang uri ng pandiwa ang Palipat at katawanin. Alamin kung anong pagkakaiba ng mga ito sa bawat isa.
Dalawang (2) Uri ng Pandiwa
Palipat
1. Palipat- Ang pandiwa ay hindi ganap o buo at nangangailangan ng tagatanggap ng kilos na
tinatawag na tuwirang layon.
Kailan nagiging palipat ang pandiwa? Kapag ang pandiwa ay may tuwirang layon na tumatanggap ng kilos. Ginagamit ang “ng o ng mga, sa, sa mga, kay, kina, ni at nila”.
Halimbawa:
- Nagsabit ng karatula sa harap ng kanyang bahay si Lina (Ang pandiwa ay nagsabit habang ang tuwirang layon naman ay ang karatula).
- Bumili ng ulam ang ama ni Carol. (Ang pandiwa ay bumil habang ang tuwirang layon naman ay ng ulam).
Katawanin
2. Katawanin
Kailan nagiging katawanin ang pandiwa? Kabaliktaran ng palipat ang katawanin. Ang pandiwang ito ay walang tuwirang layon na tumatanggap nito. Ang pandiwa ay ganap o buo na ang diwang ipinahahayag sa ganang sarili.
Halimbawa:
a. Pandiwang naglalahad lamang ng kilos, gawain, o isang pangyayari
- Nabuhay si Lorna.
- Si Dave at Lili ay ikinasal.
b. Mga pandiwang likas na walang simuno
- Umuulan!
- Lumilindol!
Aspekto ng Pandiwa
Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapahayag kung kailan naganap o nangyari ang isang kilos o galaw. Inilalarawan nito kung ang kilos ay naganap na, magaganap pa lamang o kung ipagpapatuloy pa ang kilos na kasalukuyang ginagawa.
Apat (4) na Aspekto ng Pandiwa
May apat (4) na aspekto ang pandiwa. Ang Perpektibo o naganap, Imperpektibo o nagaganap, Kontemplatibo o magaganap, at Perpektibong Katatapos o kagaganap.
1. Aspektong Naganap o Perpektibo
1.) Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito ay nagsasaad ng isang kilos na kung saan na ito ay tapos na, o naganap na. Ito ay tinatawag din na panahunang pangnagdaan na aspekto ng pandiwa o aspektong katatapos. Kadalasan itong ginagamitan ng mga salitang kahapon, kanina, noong isang taon, nakaraan at iba pa. Ginagamitan din ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.
Mga halimbawa ng aspektong naganap o perpektibo:
- Kumain ako ng Cheesecake sa isang sikat na restaurant.
- Kanina ikinasal ang kaibigan kong taga Canada.
- Noong 1989 ako ipinanganak.
- Dating presidente ng Pilipinas si Cory Aquino.
- Nakaalis na ang aking asawa papunta sa kanyang trabaho.
- Dumating kahapon ang aking kapatid galing Saudi.
- Nagdiwang kame ng kanyang graduation.
- Inayos ko na ang mga dadalhin ng anak ko para sa kantang camping.
2. Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan
2.) Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan – Ito ay naglalarawan ng isang kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Ito ay pandiwa na nasa panahunang pangkasalukuyan o aspektong nagaganap. Ito ay ginagamitan ng mga salita na habang, kasalukuyan, at ngayon.
Ang kilos o galaw ay kasalukuyang ginagawa, ginaganap o nangyayari. Ito ay ginagamitan ng mga panlaping na, nag, um, at in.
Mga halimbawa ng Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan:
- Kumakain ako ng Adobo.
- Umuulan ng malakas dito sa amin.
- Naglilinis ng kwarto si Jose para paghandaan ang pagdating ng kanyang ate.
- Nag-aaral ako magbasa.
- Naglalaro ng tagu-taguan ang aking mga kaibigan.
- Nagluluto ako ng panghapunan naming mag-anak.
3.Kontemplatibo (Magaganap o Panghinaharap)
Ang kilos ay hindi pa nagagawa, nagaganap, o gagawin pa lamang. Ginagamitan ito ng mga panlaping ma at mag.
Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Kontemplatibo
- Magbabasa ako ng paborito kong manga bukas.
- Maglalaba ako ng aming mga damit sa linggo.
- Bukas ay magbabayad ako ng aming bill sa ilaw.
- Sa aking kaarawan ay magluluto si Nanay ng spaghetti at pansit.
- Maliligo kami sa dagat.
4. Perpektibong Katatapos (Kagaganap)
Ang aspektong ito ng pandiwa ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig-patinig o patinig ng salitang ugat.
Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Perpektibong Katatapos
- Kalalabas ko lang ng Ospital.
- Kabibili ko lang ng pagkain sa tindahan.
- Katatapos ko lang maglaba.
- Kakanood ko lang ng laro ng San Miguel.
- Kakapanganak ko lang sa aming bunso.
Basahin: