Matalinhagang Salita

Ang matalinhagang salita ay mga salitang may malalim na kahulugan. Ito ay kadalasang binubuo ng tambalang salita na ang kahulugan ay naiiba sa kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.

Narito ang ilang halimbawa ng Matalinghagang Salita na maaari nyong sagutan.

1.Para akong natutunaw na kandila noong kinagagalitan ako ni Bb. Reyes.

a.sumasama ang katawan

b.hiyang-hiya

c.naiinitan

2.Tila siya patabaing baboy sa kanilang bahay.

a.mahilig sa matatabang pagkain

b.marumi ang katawan

c.kain lang nang kain nang walang ginagawa

3.Mistulang pugon ang lugar na pinagdausan ng palatuntunan kaya’t kami ay hindi nagtagal.

a.mainit

b.masikip

c.madilim

4.Talak siya ng talak na parang inahin mula umaga hanggang gabi.

a.daing nang daing

b.tawa nang tawa

c.daldal nang daldal

5.Tigre si Ginoong Cruz sa kaniyang mga kasamahan.

a.mabagsik

b.mapaghatol

c.matapat

6.Kasintaas ng poste ang panganay niyang anak.

a.matangkad na matangkad

b.matalino

c.nangangayayat

7.Parang kiti-kiti ang batang ito.

a.mapag-usisa

b.malakas kumain

c.malikot at di mapirmi

8.Di-maliparang uwak ang bulwagan nang dumating ang sikat na artista.

a.kakaunti ang tao

b.punung-puno

c.maraming ibon

Iba pang Halimbawa ng Matalinhagang Salita

1. Balat Sibuyas – madaling umiyak; sensitibo

2. Amoy Tsiko – nakainom

3. Luha ng buwaya – di totoong pag-iyak

4. Tulak ng bibig — salita lamang, di tunay sa loob

5. Mahapdi ang bituka – nagugutom

6. Sukat ang bulsa — marunong gumamit ng pera, marunong magbayad at mamahala ng kayamanan

7. Maanghang ang dila — bastos magsalita

8. Matalas ang dila — masakit mangusap

9. Makitid ang isip — mahinang umunawa, walang masyadong nalalaman

10. Matigas ang katawan — tamad

11. Mababaw ang luha — madaling umiyak

12. Butas ang bulsa – walang pera

13. Ilaw ng tahanan – ina

14. Kalog na ng baba – nilalamig

15. Alimuom – tsismis

16. Bahag ang buntot – duwag

17. Ikurus sa noo – tandaan

18. Bukas ang palad – matulungin

19. Kapilas ng buhay – asawa

20. Nagbibilang ng poste – walang trabaho

21. Basag ang pula – luko-luko

22. Ibaon sa hukay – kinalimutan

23. Taingang kawali – nagbibingi-bingihan

24. Buwayang lubog – taksil sa kapwa

25. Pagpaging alimasag – walang laman

26. Tagong bayawak – madaling makita sa pangungubli

27. Ang hinog sa pilit ay maasim – wag mamilit

28. Kung ano ang tinanim sya ring aanihin – gumawa ng mabuti para umani ng katulad.

29. Ang makipaglaro sa kuting mag t’yagang kalmutin – kung nais mag-biro wag mapipikon.

30. Pating sa katihan – usurero

31. Lubad ang kulay – bading o bakla

32. Di-makabasag pinggan – mahinhin

33. Daga sa dibdib – takot

34. Kumukulo ang dugo – naiinis,nasusuklam

35. Itaga sa bato – tandaan

36. Bukal sa loob-taos – puso,tapat

37. Mahabang dulang – kasalan

38. Makapal ang mukha – Di marunong mahiya

39. Nakahiga sa salapi – mayaman

40. Panis ang laway-taong di-palakibo

41. Makati ang paa – Mahilig sa gala o lakad

42. Takaw tulog – mahilig matulog

43. Maputi ang tainga – kuripot

44. Lumaki ang ulo – yumabang

45. Makapal ang bulsa – maraming pera

46. Patay gutom – Mahilig kumain

47. Mapaglubid sa buhangin – sinungaling

48. Haligi ng tahanan – Tatay 

49. Ahas-bahay – masamang kasambahay 

50. Pabalat-bunga – paimbabaw

51.  Litaw na bituka – kaliit-liitang lihim