“Metapora” o “Pagwawangis”
- tiyak na paraan ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay
- hindi literal na paghahambing o figure of speech
Ang Metapora ay mula sa mga salitang:
Meta – pagbabago at
Phora – mosyon o semantic motion
- Ayon kina Wingfield at Titone, ito ay maituturing na hindi totoo sa literal na aspeto ngunit nagpapahiwatig ng isang maliwanag na kahulugan
Dalawang Uri ng Metapora
Mayroong dalawang uri ng Metapora. Ito ay ang Poetic at Metaphorical Idioms.
- Dalawang uri:
- Poetic Metaphors – metaporang walang fixed form; maaring mag-iba ang interpretasyon ayon sa nagbabasa at gumagamit
- Metaphorical Idioms – metaporang may iisang tamang reading o interpretasyon
Mga Halimbawa ng Metapora
Paraan ng pagpapahayag ng kahulugan
- paggamit ng mga imahe o mga bagay may karampatang kaugnayan sa tinutukoy na ideya
Paggamit ng mga Hayop
Hayop – pangiinsulto/naghahayag ng pagiging magaling
Baboy – bastos, burara, mataba
Ahas – traidor, burara
Daga – mahirap
Tigre – mataray, masungit, strikto
Tuko/Kapit-tuko – mapapel o sipsip, mahilig dumikit, ayaw bumitaw
Pagong – Mabagal, makupad
Buwaya – gahaman
Manok/tulog manok – mababaw matulog
Sisiw – madali
Basang sisiw – kawawa
Kuto/Kutong-lupa – nakakairita, peste
Paggamit ng Bahagi ng Katawan
Kutis
Kutis-porselana – makinis
Balat-sibuyas – sesitibo
Mukha
Makapal ang mukha – walang hiya
Puso
Pusong mamon – maawain, mabait
Pusong bato – manhid
Palad
Bukas palad – matulungin
Tainga
Taingang kawali – nagbibingibingihan
Kamay
Kamay na bakal – marahas
Malikot ang kamay – magnanakaw
Ulo
Mahina ang ulo – bobo
Kilay
Nagsunog ng kilay – nagaral ng mabuti
Mata
Mainit ang mata – nakatuon ang atensyon
Paggamit ng Hayop at Bahagi ng Katawan
Utak-biya – tanga
Matang-lawin – malinaw ang mata
Titing Kabayo – malaki, maliksi, malakas
Porma– sa pagsasa-ayos at pagkakasulat ng isang metapora
Metaporang One-Word
Baboy
Ahas
Tigre
Buwaya
Tuko
Metaporang Compound
Pandiwa-Pangalan
- Tulog-manok
- Kapit-tuko
- Lakad-pagong
Pangalan-Pangalan
- Kutis-porselana
- Utak-biya
- Balat-sibuyas
- Matang-lawin
- Titing-kabayo
- Taingang-kawali
- Pusong-mamon
- Kamay na bakal
- Kutong-lupa
Pang-uri-Pangalan
- bukas-palad
- basang-sisiw
Metaporang Phrasal
Adjectival Phrase
- Mahirap pa sa daga
- Mahina ang ulo
- Mainit ang mata
- Malikot ang kamay
- Namuti ang mata
Verb Phrase
- Nagtaas ng kilay
- Nagsunog ng kilay
- Nanlaki ang mata
- Nadungisan ang kama
Borrowed Metaphors
Ito ay mula/ may kasamang hiram na salita. Halimbawa ay:
Coca-cola ang katawan – sexy
Vertically challenged – pandak
Emotionally challenged – mahina ang loob, baliw
Intellectually challenged – bobo
Bakit tayo gumagamit ng mga metapora?
- “Out of politeness” o pagiging magalang ng mga Pilipino
- Ang pagiging prangka ay napagkakamalan bilang “rudeness”
- Gumagamit tayo ng “indirect” na pahayag upang hindi makasakit sa iba
- Upang magbigay-puri sa isang tao o bagay
- Naniniwala rin ng karamihan ang konsepto ng ebulosyon at tayo ay mga hayop din kung kaya’t naihahambing tayo sa mga ito
- Mas naipapahayag ang damdamin ng mabuti
Halimbawa ng tula sa Metapora
Minsan sa isang malamig na umaga
Hinayaan kong maligaw ang aking kaluluwa at
sa isang bakuran, ako ay napunta
Ilang taon na rin akong paikot ikot sa bakuran na ito.
Nabaliktad ko na lahat ng mga bato,
nahawi ko na ang lahat ng mga damo.
Hinalughug ko na ang langit at lupa.
naglalakad, namamasyal , nagmamasid sa kapaligiran na Kanyang nilikha
Nakakita ako ng isang paru-parong napakaganda
nagkukulay ube ang pakpak, palipat lipat sa mga bulaklak at
Naisipan kong kausapin siya, “Napapagod ka rin ba?
Pansin ko sa mga ginagawa mo’y masayang masaya ka
Kahit gaano katirik ang araw, ikaw ay hindi naaantala
Palipad lipad sa hangin na para bang walang problema”
At sa pagsapit ng gabi,
sa ilalim ng karagatan ng mga butuin
habang hinehele ng huni ng mga kuliglig,
at hinahampas ng hangin na kay lamig
Sa kwarto, ako’y nag-iisa
at nagsusumiksik sa sulok ng kama
humihikbi sa mga basang unan
at patuloy paring hindi nakukumutan
nilalamon ng pait, nasisiraan ng bait,
walang araw at gabing lumipas na hindi nakakaranas ng sakit.
Saksi ang mga kumot ng ulap na sumasayaw sa hangin
Sa pulso ng aking damdamin.
Subalit aking napagtanto
Bago nakuha ng paru-paro ang malaperlas na pakpak nyang ito
dinaanan niya muna ang pinakamadilim at masakit na proseso
upang makamit ang pagbabago.
Paru-parong dating nilalayuan, kinakatakutan, at pinandidirian
Isang berdeng uod na gumagapang sa damuhan.
Na dalawang linggo ang paglilim sa kanyang tahanan
bago tuluyang mamamayagpag sa kapaligiran.
Katulad ng Paru-paro, ako rin ay may tahanan
Santa Isabel manila na aking paaralan
Sila ang nakatulong humubog sa aking pagkatao at isipan
hindi sila nagkulang at marami akong natutunan
Santa Isabel manila, kung saan ako itinadhana
Maraming mga taong hindi nais makasama
may mga tunay at merong peke na makakasalamuha,
ngunit nakatadhana upang makilala
Katulad ng paru-parong tinutugis sa parang ng mga ibon at gagamba.
Sa marahang na dalwang taon ay ang pag usbong ng sarili sa apat na sulok nitong silid
Katulad ng munting paru paro sa gitna ng bukid,
Pa unti unting natuto lumipad ng walang tumutulong
yung dating may gumagabay ngayon kaya nang sumulong
Katulad ng paru-parong minsan pinanghihinaan, natuto rin akong lumaban
At buksan ang sarili kong kulungan.
Kaya Sinta, bago mo makamit ang pagbabago
Kailangan mo munang dumaan sa malubak na proseso
Ngunit kailangan mo ng gabay ng Lumikha,
Katulad ng paru-paro, na nangangailangan ng araw upang magkaroon ng lakas sa umaga.
Ang init niya ang nagpapalambot ng mga naninigas na mga pakpak na dulot ng gabing pangamba.
Kaya kung gusto mo ng pagbabago
Isipin mo ang buhay ng isang paru-paro
Na isang katutak na proseso ang dinaanan, para makamit ang kalayaan
Pagkatapos ng delubyo, idilat ang mata, mga luha’y punasan
Dahil darating ang panahon mamayagpag at bubuka rin ang makukulay mong pakpak
Salubungin mo palagi ang presensya ng araw, sa malamig na mundong iyong tinatahak.
Katulad ng munting paru-paro na paunti-unting lumaki at natuto.
Alpas, Sinta!
Wag ka magpapagapos. Piliin mong umalpas.
Comments are closed.