Sa araw na ito ating alamin ang tungkol sa Niyebeng Itim. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Si Li Huiquan, isang dating bilanggo sa kampo nanakalaya na, ay bilanggo parin ang kaniyang isipat damdamin sa kalungkutan ng nakaraan at sadating nakasanayan sa kulungan. Nagpakuha siyang labinglimang litrato kasama si Tiya Luo nagagamitin para sa aplikasyon ng lisensya sa kariton at pagtitinda ng prutas. Ngunit hindiito naaprobahan dahil puno na ang kota.
Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero, at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang magawa.
Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang matabang lalake na si Hepeng Li. Yumuko si Huiquan, isang ugalingnatutunan niya noong nakabilanggo siya sa kampo,bilang paggalang at pagsunod.
Nilibot niya ang buong bayan upang maghanap ngmga parte na kailangan niya para sasakyan ngkaniyang paninda. Nakahanap siya at nakabuo siya ng natatanging sasakyan para sa kanyang paninda na naging sentro ng atensyon dahil ito’y kakaiba.
Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan sa bisperas ng Bagong Taon ngunit tinanggihan niya ito dahil kailangan niyang tapusin ang ginagawa niya bago mag bagong taon. At dahil narin sa lakasat ingay ng mga paputok ay iniwan muna niyaang ginagawa at naglasing. Naalala ang mga sandaling kasama pa niya ang kanyang ina.
At sa ikalimang araw ng bagong taon ay ibinigayna kay Huiquan ang pwesto niya at nagsimula na siyang magtinda ng mga damit. Isinampay niyaang ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang isa. Nakabenta siya ng dalawampung panlaming na angora sa kanyang unang araw kaya sumigla siya. At dahil sa wakas ay nagkaroon siya ngkontrol sa isang bagay at paakiramdam niya ay makapangyarihan siya.
Sa sumunod na araw ay wala siyang masyadongnabenta ngunit isang araw nakapagbenta siya ngkasuotang pang-army sa apat na karpintero nakababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan at iyon ay nagbigay ng inspirasyon sa kanya.
“Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw,dahil walang makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad, Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba ?”Nag-iisip si Huiquan.