Nobela

– Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang Nobela, layunin, mga uri, elemento at ilan sa mga halimbawa nito. Tara na’t ating simulan na palawakin ang ating mga kaisipan upang sa gayon ay marami tayong nalalaman at patuloy pang aalamin.

Ano nga ba ang Nobela?

– Ito ay isang ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na nahahati sa mga kabanata. Ang kathang ito ay karaniwang nabibilang sa katergoryang piksyon, samakatuwid, ito ay karaniwang kathang isip lamang ng manunulat. Naglalaman ito ng dalawa o higit pang mga tauhan, maraming pangyayari at may kaganapan sa iba’t-ibang tagpuan. Binubuo ito ng 60,000 hanggang 200,000 na salita o 300-1,300 pahina. Ang kathang ito ay hindi mababasa sa isang upuan lamang sapagkat mahaba at madami ang mga kaganapan dito.

MGA URI NG NOBELA

1. Nobelang Makatotohanan

– Ito ay sinulat upang gawing totoo ang mga pangyayaring isinalaysay. Nagtatampok ito ng malalakas na karakter na umunlad sa isang kapaligiran. Sila ay may totoong mga problemang panlipunan at nagsasagawa ng pang araw-araw na mga pagkilos.

2. Nobelang Pangkasaysayan

– Ang nobelang pangkasaysayan ay isang uri ng nobela na ang mga kaganapan ay mula sa nakaraan.

3. Nobelang Epistolaryo

– Ang nobelang ito ay kwentong naisasalaysay sa pamamagitan ng mga dokumento tulad ng mga sulat, telegrama, talaarawan.

4. Nobelang Pagsasanay

– Ang nobelang ito ay pinagtatrabahuhan ang emosyonal at sikolohikal na ebolusyon ng isang tauhan.

5. Nobelang Awtobiograpiko

– Ito ay ang mga nagsisiwalat ng impormasyon tungkol sa buhay ng may-akda. Ipinapaloob ng manunulat ang mga elemento ng kanyang buhay at pinaghahalo ang mga ito sa balangkas ng nobela.

6. Nobelang Kathang-isip sa Siyensya

– Ito ay tungkol sa mga teknolohikal na elemento, na nagpapakita ng mga pagsulong sa larangang ito.

7. Nobelang Utopian

– Ang nobelang ito ay nagpapakita ng mga ganap na perpektong lipunan.

8. Nobelang Dystopian

– Ito ay nobelang nagpapakita ng futuristic, advanced na teknolohikal na lipunan.

9. Nobelang Pantasya

– Ang nobelang pantasya ay ang mga haka-haka ng mundo, tulad ng mga nobelang science fiction at nobelang dystopian.

10. Nobelang Pulp Fiction

– Ang nobelang ito ay tumutukoy sa isang uri ng tipikal na pag-print ng ika – 20 siglo. Napaka-tipid at pinapaboran ang pagkonsumo ng masa ng mga teksto na ito.

11. Nobelang Pang-tik-tik

– Ito ay isang uri ng nobela na kung saan ang bida ay sumusubok na lutasin ang isang krimen. Ay bida ay maaaring isang miyembro ng pulisya, isang pribadong detektib, o isang investigator.

12. Nobelang Katatakutan

– Ang nobelang katatakutan ay nagkukwento ng mga kaganapan na naghahangad na makabuo ng takot sa mambabasa.

13. Nobelang Misteryo

– Ito ay madalas na nakatuon sa isang krimen (karaniwang pagpatay), na dapat lutasin ng mga tauhan.

14. Nobelang Gothic

– Ang nobelang ito ay may kasamang mga elemento ng supernatural, sumisindak, at mahiwaga.

15. Nobelang Satirikal

– Ang nobelang ito ay naghahangad na manuya sa isang partikular na elemento. Ito ay para makapukaw ng pagbabago ng opinyon sa mambabasa o kahit na isang reaksiyon.

16. Nobelang Pang-algorithm

– Ang nobelang pang-algorithm ay isang uri ng nobela na kung saan ginamit ang kwento upang tumukoy sa isa pang sitwasyon.

LAYUNIN NG NOBELA

  • Gigising ang damdamin at diwa ng mga mambabasa.
  • Magbibigay–aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.
  • Magsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
  • Magbibigay inspirasyon sa mga mambabasa.
  • Pupukawin ang kaalaman ng mga tao sa pagsulat ng nobela.

ELEMENTO NG NOBELA

  1. Tagpuan – Ito ay ang lugar at panahon kung saan naganap ang mga pangyayari. Kumpara sa iba pang uri ng akdang pampanitikan, ang kwento sa nobela ay hindi naganap sa iisang tagpuan lamang, sa halip ang mga pangyayari ay nagaganap sa iba’t-ibang lugar at panahon.
  2. Tauhan – Ito ang nagbibigay buhay at ang kumikilos sa akda.
  3. Banghay – Ito ang pagkakasunud-sunod o daloy ng mga pangyayari.
  4. Pananaw – Ito ay ang panauhang ginamit ng manunulat (Point of view). Ito ay maaring maging una, pangalawa o pangatlo.
    1. Una – Kapag ang may akda ay kasali sa kwento
    2. Pangalawa – Ang may akda ang nakikipag-usap
    3. Pangatlo – Ito ay batay sa obserbasyon ng may akda
  5. Tema – Ito ay paksa kung saan umiikot ang istorya ng nobela. Ito ay maaring maging tungkol sa pag-ibig, paghihiganti, digmaan, kabayanihan, kamatayan, at iba pa.
  6. Damdamin – Ito ang nagbibigay kulay sa mga pangyayari. Ang damdamin ay ang emosyong nais iparating ng awtor sa mga mambabasa.
  7. Pamamaraan – Ito ay ang istilo na ginamit ng manunulat.
  8. Pananalita – Diyalogong ginamit sa nobela
  9. Simbolismo – Ito ay ang mga tao, bagay, hayop at pangyayari na nagpapakita ng mas malalim na kahulugan. Ang magandang halimbawa ng simbolismo sa nobela ay ang pagsusuot ng tauhan ng itim na damit. Ito ay nangangahulugan ng pagluluksa sa tauhang namatay.

MGA HALIMBAWA NG NOBELA:

  • Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal
  • El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
  • Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
  • Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
  • Sugat ng Alaala ni Lázaro Francisco