– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pagkakaiba ng Bernakular sa Diyalekto. Atin nang alamin at tuklasin ito. Simulan na natin!
Bago tayo magtungo sa pagkakaiba nilang dalawa, atin munang talakayin ang bawat isa nito.
Ano nga ba ang Bernakular?
– Ito ay tumutukoy sa anumang wika o diyalektong ginagamit sa pagsasalita araw-araw ng karaniwang mga tao sa isang partikular na lugar.
Ano nga ba ang Diyalekto?
– Ito ang tawag sa wikang ginagamit sa isang partikular na pook o lugar, maliit man o malaki.
ANO ANG PAGKAKAIBA NILANG DALAWA?
Ang bernakular ay tumatalakay sa mga salita at wastong pag-gamit ng mga ito upang makapagsalita at makapagpahayag ng saloobin ang isang tao. Kung saan sa kabilang banda naman ay ang diyalekto ay tumatalakay din sa mga salita, pag-gamit, at sa kung paano binibigkas o sinasabi ang mga ito.