-Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng palaisipan at mga halimbawa nito. Tara na’t palawakin natin ang ating kaalaman tungkol sa paksa na ito.
Ano nga ba ang palaisipan?
-Ito ay kilala bilang bugtong, pahulaan o patuturan. Ito ay tumutukoy sa isang tanong o pangungusap na may iba o nakatagong kahulugan na kailangang lutasin o hulaan. Ito ay payak at simple na umaasa lamang sa patudyong gamit ng tanong at sagot. Kadalasang nililikha ang mga palaisipan bilang isang uri ng libangan, ngunit maaari rin namang magmula ito sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin. Sa mga ganitong kaso, ang kanilang matagumpay na pagkalutas ay isang mahalagang ambag sa pagsaliksik sa matematika.
Halimbawa:
May tatlong pinto na kailangan mong daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod nito ay may mga panganib. Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan palabas. Sa ikalawa naman ay mayroong babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang sa huli naman ay may isang leon na tatlong taon nang di kumakain. Saan ka dadaan?
Sagot: Sa ikatlo dahil kapag di kumain ng tatlong taon ang leon, patay na ito.
Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon ang nasa ikatlong puwesto. Anong pwesto mo na ngayon?
Sagot: Ikatlo
May mga buwan na mayroong 31 araw habang mayroon namang may 30 araw. Ilan naman ang mayroong 28 araw?
Sagot: Lahat ng buwan ay may 28 araw
Anong bagay ang hindi naman bote o pitsel, na mayroon ding maraming butas, pero kayang mag-imbak ng tubig?
Sagot: Ispongha o Sponge
Anong bagay ang nasisira na, hindi pa man naisasakatuparan?
Sagot: Pangako
Comments are closed.