– Sa paksang ito, ating matutunghayan ang kwento ni Rama at Sita. Paano nga ba dadaloy ang storya na ito? Sabay sabay nating basahin!
RAMA AT SITA
Ipinatapon sa malayong kagubatan ni Haring Ayodha ang mag-asawang sina Rama at Sita dahil sa pagsuway nito sa hari. Kasama nila si Lakshamanan na kapatid ni Rama.
Habang nasa gubat, nagpanggap na ibangĀ babaeĀ si Surpnaka, kapatid ng hari na may gusto kay Rama. Tinukso niya si Rama ngunit nakilala nila na si Surpnaka. Nasaktan ni Lakshamanan si Surpnaka at nagkasugat sa ilong at tainga.
Nagsumbong si Surpnaka sa kapatid na si Ravana at pinalala ang kuwento. Dahil doon, nais nilang maghiganti. Nanghingi ng tulong si Ravana kay Maritsa na nag-iiba ng anyo. Nagpanggap ito bilang isang gintong usa.
Nang makita nina Rama, Sita, at Lakshamanan ang usa sa gubat, inutusan ni Sita na sundan ni Rama ang usa habang bantay naman ni Lakshamanan si Sita. Nang matagalang makabalik si Rama, inutusan na ni Sita na sundan ni Lakshamanan ang kapatid.
Naiwang mag-isa si Sita. Lumapit na si Ravana na nagpanggap na matandang Brahmin. Ngunit di niya napigilan ang sarili at inalok na maging reyna si Sita na tumanggi naman. Kinuha niya ito at isinakay sa karuwaheng mayroong pakpak. Sinundan sila ng Agila ngunit napatay ito ni Ravana.
Nakausap ng magkapatid ang agila bago mamatay. Sinabi nitong bihag ni Ravana si Sita. Humingi sila ng tulong sa mga unggoy at nilusob ang kaharian ni Ravana at natalo ito.