– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng Representatibo at ilan sa mga halimbawa nito upang mas maunawaan natin ang paksa. Tara? Simulan na natin!
Ano nga ba ang Representatibo?
– Ito ay isa sa dalawang gamit ng wika. Ito ay ang paggamit ng wika upang makapagbigay ng impormasyon o datos sa tao. Sa pagbibigay ng impormasyon ay mayroong nagaganap na pagpapalitan ng kaisipan.
Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, paghahatid ng mensahe, pagbibigay ng tama/maling impormasyon, pagsisinungaling,pagpapahayag
- Kailangan nating kumilos at gumawa ng paraan para maisalba natin ang kapaligiran dahil tayo rin ang maaapektuhan sa huli ( paghahatid ng mensahe)
- Ayon sa weather forecast, mararanasan natin ang hagupit ng bagyo bukas kaya’t maging handa at alerto ( pag-uulat)
- HIndi ko yan kalandian! Kami ay magkaibigan lamang. (Pagsisinungaling)