Ang Salawikain ay mga tradisyunal na kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating henerasyon at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Salawikain Tungkol sa Kaibigan
Ang matapat na kaibigan,
tunay na maaasahan.
Ang tao kapag mayaman,
marami ang kaibigan.
Kaibigan kung meron,
kung wala’y sitsaron.
Ang tunay na anyaya,
sinasamahan ng hila.
Ang tunay na kaibigan,
karamay kailan man.
Ang tunay na kaibigan,
nakikilala sa kagipitan.
Puri sa harap,
sa likod paglibak.
Turan mo ang iyong kaibigan,
sasabihin ko kung sino ikaw.
Walang paku-pakundangan,
sa tunay na kaibigan.
Aanhin mo ang yaman,
kung wala ka namang kaibigan?
Kung sa apoy sinusubok ang tigas ng sandata,
sa panganib nakikita ang tapat na kasama.
Ang nagpapautang sa kaibigan ay kumikita ng kaaway.
Sa panahon ng kagipitan, nakikilala ang kaibigan.
Ang sa malayo’t patay ay walang kaibigan.
Ang sumama sa kalabaw na may putik ay mapuputikan din.
Ang taksil na kaibigan ay higit na masama kaysa kaaway.
Kaibigang tangi, mahigpit pa sa may-ari.
Mabuti pa ang nag-iisa kaysa may mga masamang kasama.
Sa tunay na kaibigan wala nang maraming kabulaanan.
Talik ng kaibiga’y maaaring kataksilan.
Ang pilak mo man ay isang kaban,
ang ginto mo man ay isang tapayan,
kung wala ka namang kaibigan
ay wala ka ring kabuluhan.
Ang malinis na kuwenta ay mahabang pagsasama.
Ang mapagkanulo sa kanyang kapwa,
sa sarling bitag napapanganyaya.
Ang mabuting aklat, kaibigang laging tapat.
Comments are closed.