Ang mga salawikain o tinatawag na proverbs sa wikang ingles ay binubuo ng mga parirala na karaniwan ay nasa anyong patula na kung saan ito ay nagbibigay ng gintong aral. Ang mga salawikain ay nagmula pa sa payo o pahayag ng ating mga ninuno batay sa kanilang sariling karanasan sa buhay
Salawikain Tungkol sa Katapatan
- Ang hindi tumupad sa sinabi,
Walang pagpapahalaga sa sarili. - Ang iyong hiniram,
Isauli o palitan.
Upang sa susunod,
Hindi ka makadalaan. - Ang lalaking tunay na matapang,
Hindi natatakot sa pana-panaan. - Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla.
- Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.
- Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluwat.
- Ang tunay mong pagkatao,
Nakikilala sa gawa mo. - Ang utang ay utang,
Hindi dapat kalimutan. - Kapag bukas ang kaban,
Nagkakasala sinuman. - Nasa taong matapat ang huling halakhak.
- Sa taong may tunay na hiya,
Ang salita ay panunumpa.
Iba pang halimbawa ng Salawikain
- Salawikain Tungkol sa Buhay
- Salawikain Tungkol sa Kaibigan
- Salawikain Tungkol sa Pamilya
- Iba pang mga Halimbawa ng Salawikain
Comments are closed.