Ang talata ay ang pinakamaliit na yunit ng isang teksto na binubuo ng isa o higit pang mga pangungusap na nagkakaroon ng isang ideya. Ito din ay tinatawag na paragraph sa wikang ingles.
Halimbawa ng Talata sa Pandemya
Ang Pandemya
Di mo inaasahan ang pandemya pero dumating sa buhay mo. Isang laganap na sakit na nagpatigil sa pagtakbo ng kapaligiran mo. Maraming namatay kamaganak, kakilala, isang ama, isang ina, isang kapatid at mga kasama sa trabaho. Hindi ka pinalabas ng mahabang panahon dahil sa takot na lumaganap at hindi na mapigilan ito.
Sinubok ang iyong pasensya, sinubok ang katatagan mo kung paano mo malalagpasan ang isang pamumuhay na puno ng pagaalinlangan kung paano maitatawid ang pangaraw araw na pagkain. Nagkaroon ng ayuda pero hindi sapat dahil matinding dagok ang binigay sa buhay ng mga tao.
Umaasang sa darating nation ay mawawala na at kung hindi man ay maitutuloy na ang buhay na dating kinamulatan.
Halimbawa ng Talata sa Pangarap
Ang Pangarap
Mula pagkabata ang pangarap ay isang pagtingin mo sa sarili mo sa hinaharap. Ang pangarap na magkaroon ng malaking bahay, mamahaling sasakyan, magkaroon ng hanap buhay na hindi ka magugutom at pmilya na iyong uuwian.
Ang Pangarap na nagsimula sa adhikaing umangat sa buhay, magawa ang gusto mo sa mundo at mailabas ang natatanging talento. Ang pangarap na minsan ay mailap, ang pangarap na kahit anong gawin ay natutupad. Ang pangarap na nababago habang tumatanda ka sa mundong ito. Ang pangarap na sadyang pangarap na lang kasi minsan pinamumukha ng kapalaran na ang pangarap ay isang pangarap lang.
Halimbawa ng Talata sa Covid-19
Ang Covid-19
Balitang nagsimula sa paniki sa China ang sakit na Covid19. Naipasa sa ibat-ibang tao sa buong mundo at lumaganap na nagging dahilan ng pandemya. Maraming nilabas na propaganda sa ibat-ibang parte ng mundo. Merong sinadya daw ng China para mapakinabangan nila ito dahil sa meron na silang pangturok laban dito. Ang katwiran naman nila na talagang nagbabalat kayo ang isang virus na nagbibigay impeksyon sa natamaan nito.
Pinahirapan, pinatatag, pinahaba ang pasensya at pinatibay ng virus na ito ang pananaw ng tao sa katutuhanan na hindi permanente ang buhay sa mundo. Walang sinuman ang makapagsasabi kung hanggang kelan sila mabubuhay sa mundo dahil pinatuyan ng virus na ito na kahit anong oras ay pwede kang mawala sa mundo.
Halimbawa ng Talata sa Pamilya
Ang Pamilya
Ang Pamilya ay isang sangay ng lipunan kung saan nagsisimula ang pangaral at pundasyon ng pagkatao ng isang tao. Ang isang pamilya ang nagbibigay daan para maisakatuparan ang lahat ng pangarap ng isang myembro nito. Ang pamilya rin minsan ang wawasak sa isang pangarap at kaayusan ng kaanak nito. Ang isang mabuting pamilya ang lunas sa suliranin na nararanasan ng sambayanan. Ang pamilya rin na di maayos ang magpapagulo sa lipunan.
Hindi mo pwedeng piliin ang iyong pamilya kasi dumating ka sa mundo ay andyan na sila. Mabuti man o hindi ang kinagisnan mong pamilya ay ikaw pa rin ang magpapatuloy sa landas na gusto mo. Ang pamilya ay hindi mo pwedeng palitan pero pwede mong dagdagan
Halimbawa ng Talata sa Sarili
Ang Sarili
Ang sarili ay sadyang makahulugan. Sariling makasarili at sariling nagbibigay importansya sa ibang tao. Ang sarili mo minsan ay hindi mo maintindihan sa paggawa ng aktibidad at kung paano mo isasakatuparan ang iyong plano. Ang sarili sa pagpupursige, Ang sarili sa pakikipagkapwa tao, Ang pagpapahalaga sa sarili para maging maginhawa ang iyong kinabukasan. Makasarili ba ang sarili kapag sarili mo lang ang iniiisip mo? Ang problem ba pag sinarili mo ay magiging mitya ng buhay mo?
Sa mundo na puno ng ibang paniniwala at kagustuhan ay masasalamin ang sarili sa gusto mong puntahan. Ikaw ang magdedesisyon kung ang sarili mo ay sapat sa hamon ng buhay at maitawid ang minimithi o sa buhay. O sadyang kelangang sarilinin ang mga bagay-bagay. Ikaw ang nakakakilala sa iyong sarili, kaya ikaw ang bahala.
Comments are closed.