Sa araw na ito ating tatalakayin ang talumpati tungkol sa kabataan. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Naalala niyo pa ba ng mga kasabihan noon na “Ang kabataan ay pagasa ng bayan”? Marahil sa panahon ngayon, kinalimutan na iyan ng mga tao. Ang dating pagasa ng bayan ay naging sentro na ng mga marumingisyu ng lipunan. Namulat na ang ilan na hindi na maasahan ang mgakabataan. Hahayaan kong ipabatid sa inyo ang mga isyu na ito na naggingdahilan ng negatibong pananaw sa mga kabataan ngayon.
Kalat ngayon sa mga urban na lugar ang mga grupo ng kabataang bumabasag sa katahimikan ng paligid. Sila ang mga grupo ng mga kabataan, mapababae man o mapalalaki, na tinatawag na Gang o fraternity. Ugat ng mga kaguluhan ngayon sa mga kalsada maging sa mga paaralan. Marami sa mga kabataan ngayon ang sumasali sa ganitong klase ng samahan dahil sa tingin nila ay magiging ligtas sila sa mga karahasan at panghuhusga ng karamihan. Batay sa mga napapanood niyo sa mga telebisyon, maraming ng kabataan ang namatay dahil sa samahang ito. Maaaring namatay sa mga riot o dahil sa hazing.
Napapansin mo rin ba ng pagdami ng mga kababaihang lumolobo ang tiyan? Marahil ito na ang pinaka kalat na isyu ngayon tungkol sa mga kabataan. Ito ay bunga ng pakikipagrelasyon ng mga kabataan na walang kamalayan sa kanilang mga ginagawa. Mga kabataang gumawa ng premarital sex o maagang pakikipagtalik na wala pa sa hustong gulang. Dahil na rin sa isyu na ito, napipilitan ang mga kababaihang nabubuntis namagpalaglag. Isa rin ang abortion sa mga napapanahong isyu tungkol sa mga kabataan. Pinapalaglag ng mga kababaihang buntis ang kanilang anak dahil takot pa sa responsibilidad na kanilang haharapin.
Isa pang dahilan kung bakit nawawalan na ng tiwala ang mganakakatanda sa mga kabataan dahil na rin sa pagkasangkot nito samaraming mga krimen at pagkalulong sa masamang bisyo. Ang mgakabataang nasa lansangan ang kadalasang nadadawit sa mga ganitongsitwasyon. Mga batang lansangan na natuturuan ng mabuhay sa dilim atkumapit sa patalim. Nalululong sa masamang bisyo upang punan angkumakalam na tiyan. Kahit pilitin mang magbago ay babalik pa rin sa mganakagawian.
Bilang isang kabataan, nais ko rin ng pagbabago. Nais kong maibalik ang dating lakas ng mga kabataan. Nais kong maibalik ang dating mga kabataang nagbabago ng lipunan sa magandang paraan.