Talumpati tungkol sa Pamilya

Sa araw na ito tayo ay magbibigay ng halimbawa ng talumpati tungkol sa pamilya. Tara at sabay sabay nating basahin ang mga ito.

Sa anumang oras ng pangangailangan, anumang hidwaan at hindi pagkakaunawaan mayroon tayo, sa hulit-huli ang pamilya pa rin ang ating natatanging kanlungan sa buhay.
Tayo bilang isa sa mga bansang nabibilang sa Asya ay may kaugalian at kulturang kinagisnan na may malapit na ugnayan sa bawat miyembro ng ating mga pamilya.
Hindi bago sa atin na nakakakita tayo ng mga uri ng pamilya sa ating lugar na kung saan ay halos lahat hanggang sa mga lolo, lola at mga tiyahin at iba pang kasapi ng pamilya ay kasama sa loob ng isang maliit na tahanan.
Hindi natin iniinda kahit na maliit ang tirahan at nagsisiksikan, ang mahalaga ay buo at masaya ang pamilya. Ganyan ang buhay pamilya nating mga Pilipino.
Ang ganitong uri ng sistema minsan ay may naidudulot na kabutihan, minsan naman ay may hindi magandang dulot. Maganda sa tanang, nakakabuo ito ng mahigpit na samahan at pagkakabuklod-buklod ng bawat isa.
Pero ang ganitong uri ng samahan minsan ay nagdudulot ng pagiging pala-asa ng mga iba. Hindi tayo matututo na tumayo sa ating mga sariling paa. Habang buhay tayong aasa sa lakas at tulong ng mga mahal natin sa buhay.
Ang pagkakaroon ng pamilya lalo na sa mga bago pa lamang ay hindi gawaing biro at laru–laro lamang. Kaakibat nito ay ang napakalaking obligasyon na nakaatang sa ating mga balikat.
Lalo na kapag may mga anak na tayo na umaasa sa atin. Ang pagpasok sa estadong ito ng buhay ay dapat na masusing pinag-hahandaan. Handa tayo dapat sa aspetong pang-pinansiyal at ganun rin sa emosyonal.
Walang kasing saya ang pakiramdam ng may pamilyang sarili na maituturing at maipagmamalaki mo sa buhay. Kayamanang tunay kung ito ay sabihin ng mga nakatatanda.
Ang pamilya na kahit ano pa mang uri ng bagyo ang pagdadaanan, ang samahan ay pansamantalang mabubuwag ngunit kusa pa rin itong mabubuo dahil sa masidhing pagmamahalan ng bawat isa.

Ang pangalawang talumpati ay inupload ni Jissa Dela Torre Saluta sa Scribd.

Pamilya Gaano nga ba sa atin kahalaga?
Sila ang nagmulat sa atin. nagsabi ng kung papaano ang tama at mali. Ano nga ba ang pamilya sa atin.
sa karamihan kilala lang ang pamilya
pag may kaylangan. yung iba hindi na ata pinahahalagahan o ginagalang.
Masakit mang isipin.Nakakasakit man nang damdamin yung iba tuluyan nang iniwan ang pamilya. dahil ba sila ay nagsipag asawa.
Pero ang sinasabi ko sayo, sa atin na ang pamilya ay mahalaga. Mula pagkabata sila ang
kasama.
Kasama kung saan tayo masaya.
sa hapag kainan man o sa paggagala.
pamilya ang kaagapay sa problema.
wag sana natin silang kalimutan o basta nalang talikuran kasi hindi lahat buo ang pamilya. may masalimoot at may watak watak pa. kaya habang andyan pa sila iparamdam mo na mahal na mahal mo sila kasi wala ng hihigit pa sa pagmamahal at pagaaruga ng isang buong pamilya.kasi sa pamilya nagmumula ang tunay na saya na kahit ano mang problema nandyan at tutulungan ka.
Marahil madalas nating nakakasama ang ating mga kaibigan sa eskwelahan man o sa opisina subalit sa ating paguwi ang pamilya ang ating nakakasama. Sila yung laging naggagabay at nag aalala. Kasabay sa kainan, panunuod ng telebisyon, at pagtawa. Ngunit madalas hindi natin nakikita ang kanilang importansya.
Gigising tayo sa umaga, mag-aaral, magtratrabaho, kakain, matutulog. Lahat tayo ay abala sa kanya kanyang laban sa buhay. Madalas hindi natin sila pinapansin. Dahil alam natin na lagi lang sila nandiyan. Diba sadyang magaan ang buhay pag alam mong nakaalalay lang sila? Kaya pahalagahan natin ang pamilya. Sila ang dahilan kung bakit ka masaya.