Tatlong Uri ng Komunikasyon

– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng komunikasyon at ang mga uri nito. Tayo na’t magsimula at palawakin ang ating kaalaman ukol sa paksa na ito.

Ano nga ba ang Komunikasyon?

-Ang komunikasyon ay isang bagay na labis na kailangan ng tao upang maging ganap ang kanyang buhay sa mundo. Ito ay sa paraan ng pakikipag usap, paglalarawan, pagpapahayag, pakikipag ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga tao. Sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang kahalagahan ng buhay at nailalabas niya ang kanyang saloobin ukol sa isang isyu.

URI NG KOMUNIKASYON

1.Berbal na komunikasyon 

-Ito ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng kasipan, damdamin o saloobin sa paraang salita. Ito ay ang pinaka ginagamit na uri ng komunikasyon.

2. Di-berbal na komunikasyon 

– Ito ang komunikasyon na naipapahayag ang damdamin o gusto sa pamamagitan ng senyas, ekspresyon ng mukha, simbolo at iba pa.  

3. Komunikasyong Simboliko

-Ito ay komunikasyong binubuo ng mga mensaheng naibibigay ng mga bagay na ginagamit na nakapaglalarawan ng mga nakatagong katangian at personalidad ng isang tao. Ang mga ito ay maaaring naipakikita sa pamamagitan ng:

  • Kasuotan o damit
  • Alahas o palamuti sa katawan
  • Make-up
  • Kulay na napili