Ano ang Tugmang de Gulong?
Ang Tugmang De Gulong ay mga paalala na maaaring makita sa mga pampublikong sasakyan tulad ng dyip, bus at traysikel. Karaniwa’y ito’y batay sa nakatutuwa, lalo na’t ang karamihan sa mga tugmang ito ay nakabatay sa mga kasabihan o salawikain na dati nang batid ng mga Pilipino.
Maari itong nasa anyo ng salawikain, maikling tula o kasabihan.
Mga Halimbawa ng mga Tugmang De Gulong
- Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa paroroonan. (Batay sa: Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.)
- Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.
- And di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.
- Sitsit ay sa aso, Katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi tayo’y hihinto.
- Huwag dumi-kwatro sapagkat dyip ko’y di mo kwarto.
- Ms. na sexy, kung gusto mo’y libre, sa drayber ka tumabi.
- Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay nag-hahabol ng hininga.
- Huwag kang magdekwatro, ang dyip ko’y di mo kwarto.
- Pasaherong masaya, tiyak na may pera.
- Puwedeng matulog, bawal humilik.