Tula tungkol sa Pamilya

Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

Tula sa Pamilya

Narito ang halimbawa ng Tula patungkol sa Pamilya na isinulat ni JG.

Pamilya

Sa mamamayan nakasalalay ang isang lipunan
Na kung saan ang isang mamamayan ay mahuhubog sa kanilang tahanan
Ganyan kaimportante ang pamilya
Dahil dito ang simula ng bagong pag-asa.

Si Inay, si Itay, si Ate at Kuya 
Idagdag mo pa si bunso na syang bumubuo ng isang pamilya
Hatid ay kasiyahan na hindi maitatago
At kapanatagan sa ating mga puso.

Ngunit hindi naman lahat perpekto
Ang kailangan lamang ay sakripisyo
Dahil minsan ang bawat isa ay may mga pagkukulang
At mga pagkakamali dahil tayo ay tao lamang.

Ang importante ay magtulungan,
Sapagkat lahat ay naaayos sa magandang usapan,
Ang pamilya ay isang Kayamanan
Na kahit kailan ay di mo mapapalitan.

Basahin: Tula Tungkol Sa Ina

Comments are closed.