Tungkulin ng Wika

-Sa paksang ito ay ma didiskubre natin kung ano nga ba ang tungkulin ng wika sa ating mga tao. Tara na at simulan na natin ang isang makabuluhang diskusyon.

Ano nga ba ang Wika?

-Ang wika ang ginagamit sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.

Ito ang ilang tungkulin ng wika:

1. Instrumental

– Ito ay ginagamit upang makuha ng tagapagsalita ang kanyang mga kinakailangan katulad lamang ng materyal o serbisyo.

Halimbawa:

– Pag-order ng pagkain sa isang restawran

– Pag utos sa kasambahay na kunin ang mga sinampay sa labas

2. Interaksyonal

– Napakahalaga na matuto tayong makiisa o makipagkapwa sa tao dahil araw araw ay may iba’t-ibang tao tayo na makikila o makakahalubilo.

Halimbawa:

– Pagbati ng magandang umaga sa mga guro sa paaralan

– Pagkwentuhan sa mga bago mong kakilala sa unang araw ng klase

3. Personal

-Ginagamit ito upang maipahayag ang sariling saloobin sa lipunang kinabibilangan.

Halimbawa:

-Pagpapahayag ng opinyon sa isang pulong

– Pagiging bukas sa mga problema sa sarili

4. Regulatori

-Ang tungkulin ng wika dito ay kumontrol ng kilos, asal, o paniniwala ng ibang tao. Ginagamit rin ito sa pagimpluwensya ng tagapagsalita sa madla.

Halimbawa:

-Pag-uutos ng tatay sa kanyang anak na lalaki

-Pag-sasalita sa isang dibate

5. Heuristic

-Ito ay kadalasang ginagamit sa mga paaralan. Ito ang instrumento upang madagdagan ang kaalaman ng isang tao.

Halimbawa:

-Pagtanong sa isang guro ukol sa isang paksa na naguguluhan ka

– Pagdalo sa isang seminar

6. Imahinatibo

– Ang tungkulin ng wika dito ay ang pag likha ng mga kwento, tula, at iba pang mga mga malikhaing ideya.

Halimbawa:

-Pagsulat ng nobela

– Paglikha ng kanta