Sa araw na ito ating alamin ang tungkol sa tutubi, tutubi wag kang magpapahuli sa mamang salbahi. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Kasasara lang ng eskwlahan at kabababa lang ng batas militar. Si Jojo, nagaaral sa Philippine School for Science and Technology, ay napadaan at binalak na bumisita sa nagbagong paaralan. Militar na ang pumalit sa mga gwardiya kay makikipila at magpapa-inspect para makapasok. Kinukumpiska maski ang suklay na patulis ang dulo. Dapat din ay proper uniform.
May nakasabit pa nga “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan” kasama pa ang ibong walang pakpak at paa. Nakipila pa rin si Jojo at noong siya na ang kinapkapan, hinanap angkanyang ID, sinita kung bakit hindi siya nakauniporme at ininspeksyon ang kanyang libro.Napagkamalan pa nga siyang aktibista dahil sa kanyang porma. Dinala siya sa dati nilang library at inusisa ng miltary interrogator(Gardonet) na parang di marunong magtagalog. Kada iling ay maybatok.
Pinipilit siyang komunista. Pinagsabi pa nga siya ng mga kilala niyang komunista at nagimbento naman siya. Ginupitan siya ng bohok pagkatapos. Biglang dumating si Kulas,kabarkada niya at parang may sinesenyas ito. Pinaglinis si Jojo ng mga sasakyan suot angmalaking plakard at doon niya narinig ang mga sigaw ni Kulas.Napilitan siyang maglakad dahil nga nagastos niya ang tirang pera sa barberya. Naglabasan ang mga billboard ng multinational. Napinturahan ang suso ni Moran at baril ni Bronson. Nilapitan siya ng Amerikanong preacher na naniningil pa para sa leaflet. Lumayo rin ang Kano at tuloy ang lakad. Naisipan niya ring ibenta ang relo na bigay ng kanyang ama.
Buti umabot siya sa Tambunting at naibenta ito ng higit ochenta. Bumili ng sigarilyo, pagkatapos ay kumain sa restawrant at nang marinig ang kampana ay nagmadali ng umuwi. Dumaan munasiya sa simbahan at pinagbentahan at kinuwentuhan pa ng mga pa- lengkera. Nakipila rin siyasa sinasabing milagrosang imahen(na muntik manakaw). Noong bata pa siya ay pinakokolektasila ng porno materials ng pari at noong high school ay pinakukumpisal ukol sa kahalayan.Idinidepensa naman niya ang urges na dapat hindi pinipigil.
Nang pumasok na siya sa simbahan pilit na dinidikta ng pari ang Good News. Peropumasok sa isip niya ang plano na pagsamahin lahat ng ayaw niya sa floating school na iiwan sadagat na maraming pating. Natakot rin siyang mapunta sa impyerno kung too ang imahe.Ganon pa rin ang labas, palengke at mga nagdedebate.Pagkaalis ng simbahan naalala niya ang mga unang araw sa eskwela at pagbabago ngpaniniwala sa talino. Kapareho nito ng ilan niyang kabarkada sina Kulas, Minyong, Joey, Herbi,Lib at si Mr. Kabayan.
Mga aktibista ang kanyang mga kasama kaya medyo nahahawa na rinsiya. Ikinukwento niya rin ang mga pangyayari sa paaralan lalo na ang tungkol sa mga chismisni Miss Spermatozoa(na bastos). Isang araw pa nga ay nagpatigasan sila ni Jojo dahil sa properuniform. Sa huli ay sumuko rin ang guro. Akala niya ay kickout na siya pero biglang nagsara angpaaralan dahil sa batas militar.Napadaan naman siya sa tindahan ng hayop at halaman at napansing nakakulong angmga hayop at ginawang bonsay ang mga halaman. Sa kanyang palagay, maski ang hayop athalaman ay tutol sa pagkakakulong. Lumabas siya ng tindahan at si Tess naman ang pumasok sa
isip. Naalala niya nang una silang magkita sa lamay. Umasang tatawagan pero naghintay lang sa wala. Pumasok siya sa Ma-mon-luk at pagkatapos ay tinabihan ng isang matandang parangnagpapabata. Hinimas-himas ang kanyang hita at yinaya pa sa I.C. Nagpaalam naman siyang jumingel sa Lola at paglabas niya nang banya ay lumayo at iniwan ang bill sa matanda. Inabutansiya ng curfew kaya napilitang makitambay sa mga naglalamay.Kapag nasa probinsya akala ay lagi siyang tama. Pero may kwento rin naman ngkamartiran tulad ng kay Idyo(na dapat ay valedictorian nila). Malas niya lang at napagmali nalahi sila ng mangkukulam at nang lumaon ay lumuwas rin ng maynila. Mayroon ring ibang sikatsa kanila tulad ni Doming na naging Sundalo; si Zeny, dating puta na naging kabit ng pulitiko; siMayor Adlaza na payaman ng payaman at ang huli nama’y si Tininte na dating magsasaka nanaging asendero.Tapos na ang curfew at humigop muna siya ng goto bao naisipang dumeretso sa boarding house.
Hindi sila nagpansinan ng landlady(kahit alam niyang galit iyon). Dumeretsosiya sa kwarto at nadatnang tulog sina Minyong at sisiw(anak ni landlady) pero wala pa rin siKulas. Umidlip siya at paggising ay kinausap na lang si Minyong. Hindi pa talaga umuuwi siKulas at dagdag pa si Kwakkwak(pusa) na pinalayas dahil nahuling nagnanakaw ng pagkain saref(kasama si Minyong). Nadamay pa nga sila ni Kulas pero nalaman niya rin na wala pa si Mr.Kabayan. Umalis si Minyong para makibalita sa tribo nila. Gusto niya ring lumabas pero walanamang maisip na pupuntahan. Nakita niya ang sulat ng kanyang itay(na walang lamang pera).Pero kakaiba ang nasa sulat, parang hindi maayos ang kalagayan nila at ang huling salita pa eh
“magingat ka.” Gusto niya ring sumulat pero hindi niya alam kung magsasabi siya ng totoo.
Nong minsan kasing nagsabi ng totoo ay nakagalitan pa(pumunta kasing central luzon). Gustona nga rin siyang ilipat sa kanilang probinsya pero napilit pa rin na huwag. Gusto niyangmagdoktor noong una pero ngayo’y ayaw na niya. Gusto na nyang umuwi pero hindi niyamaisulat. Naisip niya namang sulatan si Tess pero napunta lang sa basurahan ang nagawangsulat. Tumawag si Joey sa telepono para yayain sa meeting si Jojo. Pero naiilang siyangpumunta dahil nandon sina Ven at Tess.
Kasi nang magbreak sina Ven at Tess ay siya angginawang pantakip butas ng babae. Kaya nang magkaayusan na ay naging panggulo na lang siya.Dumating siya sa folk house(na may trying hard na Bob Dylan at walang folk). Hindi na niyamakita ang matandang waiter na tumanggap sa kanila noong una. Nang dumating na siJoey(nakapaburgis na kasuotan dahil daw ayaw magpahalatang aktibista), pinagusapan nila angnangyayari sa grupo. Si Kulas ay hinuli. Pinlano nila na sunugin kaagad lahat ng maaaringebidensya sa boarding house at sa umaga nila yon gagawin kaya tumuloy muna sila kina Herbi.Pagbisita kina Herbi, una kaagad na pinoblema ang pagkain. Si Herbi ay anak ng pasto at sanay sa hirap. Ang pisong baon sa buong semestre ay pinapadami sa chess. Sabi niya ay may solusyonpa naman siya sa kanilang gutom. Sa tabing lagoon ay maraming kangkong.
Tulad ng dati siJojo ang lookout at sinwerte pa rin sila sa kangkong. Nang magluluto na si Herbi,napagkatuwaan nilang magchess(pero pareho silang nagdadayaan). Naisip niya na naman siTess pero dinaan na lang nila sa kain at biruan ang problema. Nakatulog na ang dalawa perosiya ay nagiisip pa.
Bago pa man din siya makatulog napansin na niyang may sakit si Herbi. Ginising niya siJoey at naghanap naman si Jojo ng gamot sa mga gamit ni Herbi. Nakakita siya ng gamot at“calamine lotion” ang basa niya.
Ipinahid niya sa pantal ng kaibigan. Nang gumanda-ganda naang pakiramdam ay napansin ni Joey na anti-allergy syrup pala ito at kulang na para ipainom.Dumeretso sila sa infirmary at doon nakatulog ang tatlo. Nagising lang sila Joey at Jojo nang dumating ang doktor. Ngayon na pinabalik ni Joey si Jojo sa boarding house para linisin angdapat linisin. Pagdating sa boarding house, nakita niya na maraming tao at nalaman niyangpinasok ito ng mga militar. Minabuti niyang lumayo muna.Sa paglalakad, nakita niya ang maraming pagbabago sa Maynila at naalala ang mgapagbabago sa probinsya. Nang mapagod na ay bumalik din sa boarding house at doon niyanakasalubong si Inday.
Tinangay nga sila sisiw at landlady. Hinahanap raw si Mr. Kabayan atmga estudyante nito. Pagpasok naman niya ng kwarto ay nalimas na ang lahat ng kanyang gamitmaliban sa maruruming damit, jaket na bigay ni tess at silindro ni Kulas.Pagbalik niya sa bahay ni Herbi, may iniwang note si Joey na pinapapunta siya kina Lib. Ayaw niya doon dahil sa mga magulang nito. Tinawagan niya muna ang bahay nila Lib at nalamanggabi pa ito uuwi. Kulang na ang pamasahe niya(at gutom na gutom pa) kaya naisipan na langniyang dumiskarte sa Bus. Sinwerte naman siya at nakasakay. Pagdating sa Cubao ay nakaupona siya pero minabuti niya na lang ibigay sa matandang ale ang upuan.
Dahil nga sa gutom atpagod ay nahilo siya at hinimatay.Pagkagising niya, nakita niya ang isang matandang babae na nagsusubo ng mainit nasabaw sa kanya. Siay ang babaeng binigyan niya ng upuan at “Mamay” ang tawag sa kanya.
Dadalhin sana niya si Jojo sa ospital kaso ay mahirap lang rin sila at manghihilot naman siya.Gusto na umuwi ni Jojo pero masakit pa ang kanyang binti at baka abutin ng curfew( atnalaman niyang 3 araw na siya doon). May dumating namang buntis na nagkwento sa mgapagbabago sa kanilang lugar. Tutol dito si Mamay. Maya maya lang ay dumating si Boy na basang basa. Nagkausap sila ng kaunti(nabanggit ni boy ang aktibistang kuya) at nang dumatingsi Jem ay natulog na sila. Kinabukasan pagkatapos magalmusal ay nagpaalam na siya. Inabutansiya ng limang piso at hinatid na ni Boy palabas.
Minabuti niyang magpunta muna sa kababayang si Idyo para makibalita sa bayan nila.Pagdating kina Idyo, sinama siya ng kaibigan sa raket nito, maging fixer. Nang makaipon na ay pumunta sa isang Kritikal na Papel 7 eskenita at makipaginuman. Habang nagdadaldalan angmga lasenggo ay tahimik siya hanggang mapansin ang isang makapal na sinturong nakadispley.Pagkatapos magsalita ay siya naman ang napunta sa “hot seat” sa usapan.
Tuloy ang inuman at walang nagpapahalatang lasing. Merong lumabas at humihiga at dahil pala wala nang mainom.Buti ay may nagpakuha pa ng isang kahon. Noong malasing na si Jojo tsaka lang sinabi ni Idyoang nangyari. Nasunog ang kanilang tindahan at nabugbog si Tata Selo. Nagkayayaan namansilang manood ng bomba. Marumi ang sinehan at matapos ang palabas sa sine ay pumasok angisang announcer na nagyayaya sa isang live show sa maliit na silid sa gilid ng sinehan.
Medyo may kamahalan ang tiket pero bumili pa rin ang makakasama. Mabaho at makalat ang silid naiyon, parang isang malaking basurahan. Nagumpisa na ang palabas sa pagitan ng isang babaengmedyo may edad at lalaking maton. Iba’t ibang posisyon ang pinakita at palipat-lipat naman ngupuan ang mga kasama. Nang matapos na sila ay nagyaya ang announcer na manood uli.Paglabas ay may nakasalubong na grupo ng mga lasing. Lumapit ang isa at tinadyakan ang isanilang kasama. Paglayo ay sinalubong naman sila ng pulis, agad na nagsumbong, at binalikanang grupo.
Nang magharap-harap ay inagaw ng lasing ang baril sa pulis at kasabay nito angdahandahan nilang pagtakas. Humiwalay na si Jojo sa grupo ni Idyo nang makitang may umaalialigid na metrocom.Pagdating ni Jojo kina Lib, nadatnan niya si Joey at agad na kinwento ang mga nangyari.Nabalitaan niya rin na patay na sa engkwentro sila Kulas at Mr. Kabayan. Dahil ditonapagpasyahan na buuin muli ang grupong tutubi.