Barayti ng Wika

Ating pah-uusapan ang tungkol sa barayti ng Wika. Ngunit bago magpatuloy alamin kung ano ang wika, katangian at tungkulin nito.

Ano ang Barayti ng Wika ?

Ang Barayti ng wika ay isang maliit na pangkat ng formal o makabuluhang katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal. Mauuri ang barayti ng wika sa dalawa ayon sa katangian nito: ang Permanente at Pansamantala.

Uri ng Barayti ng Wika

1.Permanente

Ang una ay Permanente na nauukol sa tagapagsalita/ tagabasa (performer). Binubuo ng ideolek at diyalekto ang permanenteng barayti.

Ideolek

Permanente: Idyolek
Ang Idyolek ay ang barayti ng wikang kaugnay sa personal na kakayahan o katangian ng tagapagsalita gaya ng nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang individual o ng isang pangkat ng mga tao.

Halimbawa:

  • Tagalog Bakit ? Batangas Bakit ga ? Bataan Bakit ah ?

Diyalekto

Permanente: Diyalekto
Ang Diyalekto ay ang barayting batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal.

Halimbawa:

  • Pakiurong nga po ng plato (bulacan hugasan)
  • Pakiurong nga po ng plato (Manila iusog)

2. Pansamantala

Ang ikalawa ay Pansamantala dahil nagkakaroon ito ng pagbabago kung nagbabago ang sitwasyon ng pahayag gaya ng kung sino o anong pangkat ng mga tao ang kinakausap at ano ang paraan ng pakikipagusap. Ang register, mode at estilo ay mga barayting kabilang dito.

Register

Pansamantala: Register
Isang varyasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika o pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika ayon sa: Tono ng kausap, Paksa ng pinag uusapan at Paraan o paano nag uusap.

Pansamantala: Register

  • Tono ng kausap- naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap
  • Paksa ng pinag-uusapan- batay sa larangan na tinatalakay at sa panahon
  • Paraan o paano nag-uusap- pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturang dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.

Mode

Pansamantala: Mode
Ang Mode ay barayting nauugnay sa midyum na ginagamit, maaaring pasalita o pasulat.

Halimbawa: Mas pormal na naipahahayag mo sa iyong wika kung ito ay nakasulat kaysa sa sinasabi lamang.

Estilo

Pansamantala: Estilo
Ang Estilo ay barayting kaugnay sa bilang at katangian ng nagsasalita at ng relasyon nito sa kanila.

Halimbawa: Iba ang estilo mo sa usapan ninyo ng iyong kaibigan kaysa ng iyong guro.

Comments are closed.