Karunungang Bayan

– Ito ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao. Ito ay nakakatulong da pag angkin ng kamalayang tradisyunal na nagpapa tibay ng pagpapahalagang kultural.

Mga Uri ng Karunungang Bayan

1. Salawikain

– Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninunong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng mabuting asal. Ito ay patalinhaga na may kahulugang itinatago.

Halimbawa:

Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay

Kahulugan: Huwag mong sasabayan ng galit ang iyong mga kaaway.

Ang hindi lumingon sa pinang galingan ay hindi makakarating sa parororoonan

Kahulugan: Kahit ano man ang nakamit mo sa buhay, huwag kakalimutang balikan kung saan ka nanggaling at maging mapagkumbaba.

2. Sawikain

– Ito ay isang paraang ng pagpukaw at paghasa ng sa kaisipan ng tao sa pamamagitan ng patalinhagang pananalita. Ito ay nakakalibang bukod sa nakadaragdag ng kaalaman.

Halimbawa:

Makati ang dila – Madaldal

Hulog ng langit – Biyaya o Suwerte

Bukambibig – Laging sinasabi o sinasambit

3. Kasabihan

– Ito ay isang klase ng pahayag na nagbibigay ng payo o nagsasaad ng katotohonan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling intindihin.

Halimbawa:

Walang mahirap na gawa kapag dinaan sa tiyaga

Ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda

4. Palaisipan

– Ito’ y nasa anyong tuluyan. Ito’y gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suluranin.

Halimbawa:

Tanong: hindi hayop, hindi rin tao ngunit tinatawag niya ako

Sagot: Telepono/Cellphone

Tanong: Anong meron sa jeep, tricycle, at bus, pero wala sa eroplano?

Sagot: Side Mirror

5. Bugtong

-Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. Ang bugtong o tinatawag na riddles sa english ay isang parirala o pangungusap na patula o tuluyan at naglalaman ng mga talinghaga.

Halimbawa:

Sa araw nahihimbing, sa gabi ay gising.

Sagot: Paniki

Eto na si bayaw dala-dala’y ilaw.

Sagot: Alitaptap

6. Bulong

-Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng pilipinas.

Halimbawa:

Aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag utusan

Tabi tabi po apo