Narito ang isang halimbawa ng Posisyong papel na tumatalakay sa Teenage Pregnanacy o Maagang Pagbubuntis ng mga Kabataan.
Kabataan: Sa Maagang Pagbubuntis
Napakarami sa mga kabataan ang nabubuntis sa murang edad pa lamang. Hindi nila naiisip ang mga kaakibat na malaking responsibilidad na puwede nilang harapin kung sila ay naging magulang na. Taon-taon ay pataas nang pataas ang blang ng mga kabataang nabubuntis at pababa nang pababa na ang edad ng mga kabataan na naaapektuhan dito.
Sa henerasyong ito aay nagiging lantad na ang mga kabataan sa ganitong klaseng mundo. Hindi naman makaKaila na marami na ring mga kabataan ang gustong mag explore at nagiging mas “curious” sa mga iba’t ibang bagay. Isa na rito ang Premarital Sex. Naniniwala ako na napakaraming mga negatibong epekto ang maagang pagbubuntis lalo na sa mga kabataan ngayon.
Una, ang maagang pagbubuntis ay nakakasira ng buhay ng mga kabataan. Lalo na sa mga kababaihan dahil nagiging sagabal ito sa kanilang pag aaral. Pag silaý nabuntis ay matitigil sila sa pag-aaral at kailangan nilang mag-sakripisyo para sa kanilang magiging anak. Hindi ito biro dahil napakalaking sakripisyo at responsibilidad ang dapat nilang harapin. Gusto man nila ito o hindi ay wala silang magagawa kundi tanggapin na lang ito.
Pangalawa, mahirap alagaan ang bata lalo na’t kung wala pang trabaho ang magulang. Kawawa ang bata dahil hindi maibibigay ng magulang ang paangangailangan niya. Mahihirapang alagaan ang bata lalo na’t mga kabataan palang ang kanyang mga magulang. Hindi nila ito magagabayan sa kanyang paglaki at magkakaroon ito ng malaking epekto kapag lumaki na ang bata.
Pangatlo, sa mga hindi pa handa magkaanak dahil sa murang edad at takot sa kanilang mga magulang, maaaring sanhi din ito ng Aborsiyon sa mga walang kamuwang muwang na bata. Ang Aborsiyon sa Pilipinas ay yumayabong na dahil sa paataas nang pataas na bilang ng nabubuntis sa murang edad. Ang Aborsiyon ay hindi dapat ginagawa dahil kasalanan ito sa Diyos at maaari rin itong maging sanhi ng sakit sa mga kabataang gumawa nito. Walang panghahantungang maganda kapag pinalaglag ang bata.
Ngunit marami ring nagsasabi na may magandang epekto rin ang maagang pagbubuntissa mga kabataan dahil mas nalalaman nila ang realidad ng buhay at hindi magkalayo ang edad ng mga magulang sa bata. Magiging mas magkalapit sila dahil alam nila kung paano mag isip ang mga kabataan ngayon.
Nasabi man ang lahat ng Positibong Epekto ay papanindigan ko parin n mas maraming “disadvantage” ang maagang pagbubuntis sa kabataan. Mas mabuti pang mag aral nalang sila ng mabuti at abutin ang kanilaang mga pangarap sa buhay upang makatulong sa kanilaang mga magulang kaysa gumawa sila ng anak sa murang edad pa lamang at umako ng napakalaking responsibilidad.
Isinulat ni: Justin James S. Aswigue