Pangkalahatang Sanggunian

– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga karagdagang detalye ukol sa Pangkalahatang Sanggunian. Atin nang diskubrehin at alamin ito. Tara na’t simulan na natin!

Ano nga ba ito?

– Ito ay ang mga bagay na maaari nating mapagkukunan ng impormasyon. Kadalasan ang mga ito ay mga libro katulad lamang ng mga diksyunaryo at almanac. Tinatawag itong Pangkalahatang Sanggunian dahil malawak ang sakop nito. Halimbawa na lamang sa isang diksyunaryo, lahat ng mga salita galing sa letrang ā€œAā€ papunta sa letrang ā€œZā€ ang ating makikita.

Iba pang mga halimbawa:

  • Almanac
    • Ito ay aklat na nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga punto ng kawilihan, mga pangyayari sa isang bansa, palakasan, relihiyon, pulitika at iba pa.
  • Internet
    • Heto ang isa sa pinaka malawak at epektibong halimbawa ng Pangkalahatang sanggunian. Ito ay dahil halos lahat ng mga katanungan mo tungkol sa kahit anong paksa ay madaling makikita sa internet. Bukod dito, halos lahat ng tao ay may kakayahang gamitin ito.
  • Encyclopedia
    • Set ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay at mga artikulo tungkol sa katotohanan.
  • ATLAS
    • Aklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansya at lokasyon ng lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong- lupa at anyong tubig na matatagpuan sa isang lugar