– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang organisasyon na nabuo ng mga bansa pagkatapos mangyari ang unang digmaang pandaigdig. Tara na’t ating alamin!
Ano tawag sa organisasyong ito?
– Ang League of the Nations (LN) ay itinatag noong Enero 10, 1920 sa Paris Peace Conference matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig at makikita rin ito sa isa sa mga bahagi ng Treaty of Versailles. Ito ay ang unang intergovernmental na samahan na ang pangunahing layunin ay ang mapanatili ang kapayapaan sa mundo. Ang liga ay natapos noong Abril 18, 1946 matapos nitong isalin ang kapangyarihan at responsibilidad sa United Nations (UN).
Nagkaroon ng total na 58 bansa ang nakilahok sa League of Nations sa pagitan ng taong 1920 hanggang 1939. Ang kredibelidad ng samahan ay humina sapagkat ang Estados Unidos ay hindi sumali habang ang Soviet Union naman ay napatalsik matapos nitong salakayin ang Finland. Unti-unting umalis ang mga bansa gaya ng Germany, Japan, Italy, Spain at iba pa. Ito na ang naging simula ng unang digmaang pandaigdig, patunay na ang layunin ay hindi nagtagumpay na palaganapin ang kaayusan sa internasyonal na samahan. Ang liga ay tumagal ng 26 na taon at pinalitan ito ng United Nations (UN) matapos ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig