Sa araw na ito ay ating tatalakayin ang nobelang may pamagat na “Sa mga Kuko ng Liwanag na isinulat ni EDGARDO M. REYES. Ang nobelang ito ay tungkol sa mga manggagawang pilipino na dumaranas ng paghihirap sa mga kamay ng mga dominanteng tao katulad na lamng ng mga intsek.
Narito ang buod ng Kwento:
Sa Mga Kuko Ng Liwanag
ni: EDGARDO M. REYES
Si Julio ay isang probinsyanong mangingisda na lumuwas sa Maynila upang doon ay makipagsapalaran at hanapin na rin ang kanyang kababata na si Ligaya. Siya ay namasukan sa isang construction site at iba pang mga trabaho.
Isa sa mga pinasukan niya ay ang “The Future La Madrid Building” dito nakilala niya ang kaibigang si Atong. Sa kanyang pagka-karpentero kumikita siya ng dos singkwenta bawat araw. Dahil dito siya ay nakitira sa bahay nila Atong.
Sa kanyang pagtatrabaho sa site marami siyang nakilalang iba’t ibang personalidad.
Mayroong idinadaan na lng sa tawa ang kanyang problema, may nagsisikap mag-aral upang makaahon sa hirap at mayroon namang tinatanggap na lang ang estado na kanilang buhay. Noong malapit ng matapos ang gusaling kanilang tinatrabaho, nagbawas ng trabahador ang nagpapagawa ng gusali.
Isa sa mga natanggal ay si Julio.Sa kanyang pagkatanggal sa pinapasukan, naisip niyang umalis at hanapin ang dating kaibigan at katrabaho na si Pol. Pinuntahan niya si Pol at taos puso siyang tinulungan nito. Ipinasok siya ni Pol sa kanyang pinapasukang trabaho at siya’y nagkaroon ng maayos na sweldo.
Isang gabi, napadaan si Julio sa Miseridordia, doon niya naaninag ang kanyang kababayang si Ligaya. Ngunit hindi siya sigurado kung si Ligaya ba iyon, kaya’t nagpasiya siyang sundan ito at ng makasigurado. At hindi nga siya nagkamali si Ligaya iyon.
Inanyayahan ni Julio si Ligaya sa isang restaurant upang pag-usapan ang nangyari sa kani-kanilang buhay. Natuklasan ni Julio na naging biktima ng prostitusyon si Ligaya. Na ngayon ay may kinakasamang Intsik na nagngangalang Ah Tek.
Matapos ang kanilang pag-uusap, napagpasyahan nilang tumakas at bumalik sa kanilang probinsya. Napagpplanuhan nilang magkita mula alas dos hanggang alas tres ng gabi. Hindi sumulpot si Ligaya sa napagplanuhan nila ni Julio.
Labis ang hinagpis ni Julio ng ibalita sa kanya ni Pol na si Ligaya ay namatay na pala. Nahulog si Ligaya sa kanyang tinutuluyan. Naging balisa si Julio bago at hanggang matapos ang libing ni Ligaya. Sa huli, napatay niya si Ah Tek at napatay naman siya ng kalapit tao sa bahay ni AhTek.