Sa araw na ito ating alamin ang tungkol sa pagbasa. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag. Isa ito sa mga makrong kasanayang pangwika at isa sa mga pinakagamitin sa lahat.
Ito ay proseso ng pag-unawa sa mensaheng nais iparating ng may-akda sa mambabasa.Dahil sa Knowledge explosion, naging lalong mahalaga ang pagbabasa sa sangkatauhan
Ang mga sumusunod ay mga halaga ng pagbabasa:.
- Nakapagdudulot ito ng kasiyahan at nakalulunas ng pagkabagot.”.
- Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa ibat ibang larangan ngbuhay.
- Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin sa ating pang-araw-araw na buhay.
- Nalalakbay natin ang mga lugar na hindi nararating, nakikilala ang mga taong yumao nao hindi nakikita.’.
- Naiimpluwensyahan nito ang ating mga saloobin at palagay hinggil sa ibat ibang bagay at tao.
- Nakatutulong ito sa paglutas ng ating mga suliranin at sa pagtataas ng kalidad ng buhay.
Mga Uri ng Pagbasa
Ang pagbasa ay maaaring mauri batay sa layunin. Kung gayon ito ay maaaring skimming o scanning.
Skimming:o pinaraanang pagbasa ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao.
Scanning:tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Batay sa paraan, ang pagbasa ay maaring tahimik o pasalita.
Tahimik: mata lamang ang ginagamit sa pagbabasa.
Pasalita: ginagamitan ng bibig, bukod sa mga mata kaya nagkakaroon ng tunog angpagbasa.)auuri rin ang pagbasa batay sa bilis o tulin:
Study speed o bilis habang nag-aaral bumasa: Ito ang pinakamabagal na pagbasa atginagamit ito sa mahihirap na seleksyon.Hal. Pag-unawa sa Panuto 0 dokumento
Matulin na pagbabasa: Mahahalagang bahagi lamang ng isang teksto ang binabasa bataysa layunin ng bumabasa. Ito ang pinakamahalagang kasanayan ng isang ganap namambabasa.. Pag-unawang 1iteral
- Pagpuna sa mga ditalye
- Pagpuna sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
- Pagsunod sa panuto
- Pagbubuod o paglalagom sa binasa
- Paggawa ng balangkas
- Pagkuha ng pangunahing kaisipan
- Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungan
- Pagbibigay ng katotohanan (facts) upang mapatunayan ang isang nalalaman na.
- Paghanap ng katibayan para sa laban sa isang pansamantalang kongklusyon
- Pagkilala sa mga tauhan
2. Pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda lakip ang mga karagdagang kahulugan
- Pagdama sa katangian ng tauhan
- Pag-unawa sa mga tayutay at patalinghangang salita
- Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan
- Pagbibigay ng mga kuro-kuro at opinyon
- Paghula sa kalalabasan
- Paghinuha sa mga sinundang pangyayari
- Pagbibigay ng solusyon o kalutasan
- Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa
- Pagbibigay ng pamagat$.
3. Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad
- Pagbibigay ng reaksyon
- Pag-iisip ng masaklaw at malawak
- Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad
- Pagdama sa pananaw ng may-akda
- Pag-unawa sa mga impresyon o kakintilang nadarama
- Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisahan ng diwa ng mga pangungusap
- Pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa isang talaan
- Pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwento
- Pagpapasya tungkol sa kabisaan ng paglalahad&. Pagsasanib ng mga kaisipan nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagongpananaw at pagkaunawa
- Pagbibigay ng opinyon at reaksyon
- Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na pangyayarisa buhay
- Pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kaugnayansa karanasan
- Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon
- Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan.’. Paglikha sa sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasangseleksyon.
- Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain
- Pagbabago ng wakas ng kwento
- Pagbabago ng pamagat ng kwento
- Pagbabago ng mga katangian ng mga tauhan
- Pagbabago ng mga pangyayari sa kwento
- Paglikha ng sariling kwento batay sa binasa)ga istratehiya sa interaktib na pagbasa
Limang uri ng istratehiya
Pagtatanong (Questioning)-Bumuo ng mga tanong tungkol sa (kasalukuyang) binabasa
Paghuhula (Predicting)-Hulaan ang mga sagot sa mga tanong na nabuo sa iyong isipan
Paglilinaw (Claifying)-Linawin kung tama o mali ang iyong mga ginawang hula o mga sagot sa iyong mga tanong
Pag-uugnay (Assimilating)-Iugnay ang teksto sa iyong karanasan o kaalaman.
Paghuhusaga (Evaluating)-Husgahan 0 suriin ang mga element ng teksto.
Apat na Teorya ng Pagbasa
Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mgasimbolo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tanging tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang prosesong pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo samambabasa (Up), kaya tinawag itong bottom up.”.
Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang gestaltnananiniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa aynapakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyangginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na inside out o conceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sakanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito,nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.
Teoryang Interaktibo- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawangteorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto.
Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid,bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama,kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.