Sa araw na ito ating alamin ang tungkol sa aanhin nino yan ni Lualhati Bautista. Tara at sabay sabay tayong matuto.
Si Nai Phan ay isa sa mga sikat sa kapitbahayan. Hindi dahil isa siyangmananayaw na ang paa’y singgaan ng saboy ng bituib; hindi rin dahil ginawaniyang bukod-tangi ang sarili sa larangn ng pulitika o panitikan. Marahil, angkanyng talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ng sinangag angkanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahit hindi nagingkatangi-tangi ang nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya,
dahil handa niyang pahintulutan ang kanyang mga parukyano sa walanglimitasyong pangungutang.Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindinaghahanap ng pera. Mangyari pang dahilan ito lagi para magreklamo angkanyang asawa, pero sasabihin niya: “Ang dalawampung satang
na halagang matamis ay hindi ipinahihirap ng pamilya.” Pag ang Than Khun, isang mataas na opisyal na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak: “Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga siya ng baka para doon!”
Sa iskinita ding iyon ay naninirahan ang isang lasenggo na hilig nanglumitaw sa kainan at tumuls ng mga berso mula sa kuwento nina Khun Changat Khun Phaen; makikinig si Nai Phan nang taimtim ang atensyon.Pagkatapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang may yelo, na malugod namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na maykasama pang doughnut para kumpleto.
Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita:“Mga binibini, nahihirapan na kayo sa pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon,puwede n’yong bitbitin ang inyong sapatos hanggang sa aking tindahan atdoon n’yo isuot.” Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na tubig parapanghugas ng paa.Pero eksaktong ikawalo gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya, “Dapat kang magbukas at magsilbisa gabi; diyan maganda ang negosyo, mas madali kang yayaman.
”Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, “Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis.” Ang sagot na ito’y may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay Nai Phan, pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang makapagpundar ng mas malaki pangkayamanan.
Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabi pagkaraan ng maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig sa kanyang maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilangsarili: “Ang saya-saya nilang tingnan, malaya sa paghahangad sakayamanan. Mas mabuti pa sila sa amin.”Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisa si Nai Phan.
Papadilim na at naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki.
“Anong maipaglilingkod ko sa inyo, sir?, tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng baril ang estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai
Phan, pero nadarama niya na hindi maganda ang mga pangyayari.“Iabot mo ang salapi mo,” marahas na sabi ng kabataang lalaki. “Lahat;kung anuman meron ka. Mukhang ang patayan ang uso sa mga panahongito; nagbabarilan ang mga tao araw-araw. Pag pinatay kita, wala nangispesyal d’on, at pag napatay mo ‘ko, hindi na rin masyadong nakapagtataka,kaya bilisan mo na. Pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mgabala.
”Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sabi niya satinig na parang nakikipag-usap lang: “Ibibigay ko sa ‘yo ang pera, pero hindidahil sa baril mo, ibibigay ko sa ‘yo dahil mukhang kailangan-kailangan moiyon. Baka nakasalalay dito’y buhay at kamatayan. Eto… lahat ng perangmeron ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad.
Sinong nakakaalam? Siguro’y may sakit ang iyong ina; siguro’y maraming araw nasiyang hindi tumikim ng pagkain. Bilisan mo; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung mag-uuwi ka ng pera o hindi. Maraming buhayang maaaring nakadepende sa pag-uwi mo na may dalang pera. Hindi kosasabihin sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa… kunin mona.”Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindi magkalakas-loob na hipuin iyon
“Bakit hindi mo kunin?” tanong ni Nai Phan. “Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong hirap na hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw naito. Hindi ako naniniwalang masama kang tao. Sino ang gustong magingmagnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong amaat kailangan mo siyang alagaan.
Dalhin mo sa kanya ang perang ito, pero huwag mong ubusin lahat sa gamot. Maniwala ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas pati sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ng bulaklak para sa iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo kailangang malamankung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahanan. Sapat na angmakadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay! – at itabi moang iyong baril – giginhawa agad ang pakiramdam mo.
Ang isang lalakig may dalang baril ay hindi nakakilala ng kapayapaan, ang puso niya’y naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa amoy ng panganib. Hindi tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata.”Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata. Itinaas niya ang mga kamay sa pagpupugay sa wai kay NaiPhan, na kilala sa kanyang sinangag at kape at pagbubukas-palad
“Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka,” sabi ngkabataang lalaki.“Huwag kang magsalita na parang baliw,” sabi ng tagapamahala ngtindahan, habang iniaabot ang pera sa binata. “Ito na lahat niyon. Dalhin mo,iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit. Alam ko na puno angmga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko, tuladng ibang lalaki; kahit sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan din anggagawin kung desperado.”Naupo ang kabataang holdaper. “Hindi pa kita nakita kailanman, athindi pa ako nakakita kailanman ng gaya mo kung magsalita. Hindi kokukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang aking baril.
Ngayo’y uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo,” umubo siya nang ilang ulit bago nagpatuloy. “Masama akong anak. Lahat ng perang ibnigay sa akin ng aking ina’y inubos ko sa karera ng kabayo; ‘yong kakaunting natira’y inubos ko sa pag-inom.”“Lahat ng tao’y nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkakahalongeksperimento, pagkakamali’t mga kabiguan?” sabi ni Nai Phan.“Hindi malakas ang katawan ko, alam mo,” pagpapatuloy ng kabataanglalaki. “Narinig mo ba ang ubo ko? Natatakot ako na mayr’on na akong T.B.Iyong ang dapat sa akin, sa palagayko, dahil meron akong mga ginagawangmasama – Dapat talagang mamatay na a’ko agad-agad.
Hindi ako dapatmabuhay, pasanin lang ako ng mundo. Salamat, at paalam.”“Hindi ma kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag-usap tayo. Gusto kitang makilala. Saan ka nakatira? Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mga pinaniniwalaan mo?
Walang pag-asang umiling ang kabataan lalaki. “Hindi ko alam kungsaan ako pupunta ngayon. Saan ako maaaringpumunta? Ano ang mgapinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang wala nang ano pa man samundong ito na karapat-dapat paniwalaan. Naging isang miserableng nilikhana ako mula nang araw na ako’y ipanganak; hindi nakapagtataka na hindi kogusto ang aking mga kapwa-tao. Minsan, ang tingin ko’y pananagutan nglahat ang mga kamalasan ko.
Ayokong makisalamuha sa mga tao. Hindi ako nagtitiwala kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang paraan ng pakikipag-usapng tao sa isa’t isa, kung paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paanonila mahalin at purihin ang isa’t isa, kung paano sila tumawa at ngumiti.Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. “Lahat ng tao’y gan’onang pakiramdam kung minsan.”“Kaya mo ba akong paniwalaan? Hindi ako interesado sa kahit ano.Sawang-sawa na ako sa lahat.
Ang buong mundo’y parang hungkag. Walangkahulugan, walang anupaman na mapapangapitan o maigagalang ng tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho sa palaga’y ko’y maari akong humanap ng gawain. Pero nasusuklam akong makita ang sangkatauhan,ayokong tumanggap ng kahit na anong pabor mula sa kanila. Mananatili akonang isang linggo sa isang trabaho, dalawang linggo, sa isa pa—hindi ako nagtatagal kahit saan.”
“Nagbabasa ka ba ng libro?”“Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ‘ko nagbabasa ng diyaryongayon. Bakit pa? Alam na alam ko kung ano’ng laman nila. Wala kundibarilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mga lugar at mga pangalan,pero ganu’t gan’on din ang mga istorya.
Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkitang mga mata kay Nai Phan. “Suwerte mo na hindi ka nagpakita ng anumangtakot o galit nang pagbantaan kita ng baril, tiyak na papatayin kita. Angdaigdig na ito’y punung-puno ng mga lalaki na gustong magpakita ng galit,mga lalaking marurumi ang isip, na laging bumubulalas na nabubulok na rawang sibilisasyon at moralidad. Hindi ako naniniwala na dahil lang daan-daan olibu-libo ang napasama, gan’on na rin dapat gawin ng lahat ng tao. Alam kona ngayon na hindi ako naparito dahil sa pera kundi para patunayan sa sariliko na tama ang aking paniniwala. Naiisip ko lagi kahit pa nawawalan na ngpag-asa ang mundo at lumulubog na sa kailaliman, pinarumi at dinungisan ngkasalanan ng tao, may matitira pa rin kahit isang tao na hindi tao dahil langgan’on ang itsura niya, kundi isang tunay na taong nilalang.
Alam niya kung paano magmahal ng iba, kung paano mapagwawagian ang paggalang ng ibang tao. Pero hindi ko ganap na pinanaligan iyon dahil wala pa kongnakitang gan’on. Sa loob ng maraming taon ay iniisip ko: “Sana’y makakitaako ng isang tao na hindi pa naging buktot kasabay ng kabuktutan ng mundo,para mapaniwalaan ko na may natitira pang kabutihan, para magkaroon akong lakas para patuloy na mabuhay.’ Ngayo’y nakatagpo ako ng isang taonggan’on. Ibinigay mo sa akin ang lahat ng hinahangad ko. Wala ka nang dapatibigay. Uuwi na ako ngayon. Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na kamumuhianuli ang daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng buhay na gusto kongtuntunin.”Mukhang naging mas masigla na ang estranghero. Tumindig na siyapara umalis at pagkaraan, naalala niya, inilabas niya ang baril. Iniabot niyaiyon sa may-ari ng tindahan.
“Sana’y kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumang lalaki na magdala ng baril ay walang awa opaggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi ang baril. Ang mgabandido’y maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nila’y laginggagambalain ng katotohanan na ang mga akaaway nila’y maaaringsumalakay sa kanila nang wala silang kahandaan. Wala silang panahon parapanoorin ang paglubog ng araw o para umawit.
Pag ang tao’y walangpanahon para umawit, mabuti pang maging kuliglig na lang o ibong mynah
.”Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam,idnugtong nito: “Babalik ako para makita ka uli, pero huwag mo nang ipakikitauli sa akin ang baril. ‘Yan ang kaaway ng isang malinis na buhay. Paalam.”Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, para bisitahin ang pinakabago niyang pag-aari. Iniisip niya na bukasay ipagbibili niya iyon. Kailangang-kailangan niya ng bagong pansala ngkape