Sa araw na ito ating alamin ang kaugnay na literatura. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina,kagamitan, at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Kadalasang iniuugnay ang katagang “teknolohiya” sa mga imbensyon at gadget na kailan lamang natuklasan na proseso at prinsipyong maka-agham. Nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung paano pagsasamahin ang mgakakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto. Ito rin ay nakatutulong sa tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag na kaalaman.
Ngunit sa kabila ng mga benepisyong naibibigay ng teknolohiya, paano nga ba itonakaaapekto sa pamumuhay ng tao? Ano ang nagagawa nito sa paraan ng pag-iisip ngtao? Totoo nga bang nagiging mangmang ang tao sa halip na madagdagan ang kaalaman?Habang pinapadali nito ang ating mga gawain, walang kamalay-malay ang tao nasinsakripisyo at ipinagpapalit niya na ang kanyang mental o pag-iisip sa mas malalim atmakabuluhang paraan at pasalitang kakayahan.
“Is Google making us stupid?”,ito ang naging katanungan ni G. Nicholas Carr nanabuo mula sa kanyang kuryusidad o pagiging mausisa patungkol sa mundo ng teknolohiya. Sa aklat ni G. Carr na pinamagatang“The Shallows: What the Internet isdoing to our Brains”, ipinaliwanag niya ang kanyang opinyon kung paano tayo nababagong teknolohiya, partikular, ang malawakang paggamit ng Internet . Ayon sa kanya, ang kaisipan ng tao ay matagal nang nahulma sa pamamagitan ng mga sangkap ng utak; mulasa alpabeto, mapa, mga nailimbag na akda (literary works), orasan, hanggang sa kompyuter.
Mga ebidensyang makasaysayan at siyentipiko na nailahad—nagbabago angating mga persepsiyon at pagkakaunawa sa mga ito bilang tugon sa mga karanasan. Angteknolohiya na ginagamit natin sa pagsasaliksik, pag-iimbak, ang pagbabahagi ngimpormasyon ay maaaring ibahin ang ating landas. Mula sa kabatiran nina Plato atMcLuhan, si G. Carr ay gumawa ng kapani-paniwalang paliwanag na bawat teknolohiyaay may taglay na angkop na karunungan (intellectual ethic )—mga patungkol sa uri ngkaalaman at katalinuhan. Bilang halimbawa, kanyang ipinaliwanag kung paano ang isangaklat ay nakukuha ang ating atensyon; nag-uudyok sa tao na bumuo ng isangmakahulugang kaisipan. Samantala, ang Internet naman ay naghihikayat sa mabilis atmagulong impormasyon na ating nakakalap mula sa iba’t ibang sources
. Mas natututotayong maging mapanuri ngunit kasabay nito ay ang unti-unting paglaho ng atingkakayahan sa konsentrasyon at pagninilay-nilay
Sa araw-araw nating paggamit at pakikisalamuha sa modernong panahon atmundo ng teknolohiya, ito’y may katumbas na mga pagbabagong intelektuwal at pagbabago sa pag-uugali (intellectual and cultural consequences). Ang mga intelektuwalna teknolohiyang ito ay madaming naging epekto’t nahigitan ang orihinal nitongintensyon o layunin.Ang Internet, ayon kay G. Carr, ay bahagi pa rin ng literatura at naiiba lang samga naimprintang pahina. Pinagsama-sama nito ang iba’t ibang klase ng media streams gaya ng tunog, film,at imahe. Iba-iba ang ating nagiging karanasan sa isang bahagi ng mundo ng teknolohiya—ang media.
Ang digital media ay hindi angkop sa malalim na pag-iisip at pag-unawa. Ang utak, sa metaporikal na kahulugan, bilang kompyuter ay pinapakawalan an gating memorya. Samakatwid, tayo ay mas nagiging matalino ngunit sa paraan na naaayon sahinihingi ng Internet. Nagiging kontrolado tayo nito. Ang mga karaniwang pamamaraangaya ng scanning, skimming, browsing, at multitasking ay hindi hinahayaang ang utak namaunawaang mabuti ang ating binabasa. Habang dumarami ang mga maaaring pagkunanng impormasyon, kung paano natin gamitin ang pamamaaraan at sangkap na nabanggitay maaaring maging dahilan ng paglabo o pagkasira ng ating pagkakaunawa sa mgaimpormasyong ating nakalap.Ito ay ilan sa mga linyang binitiwan ni G. Carr sa kanyang aklat na “TheShallows: What the Internet is doing to our Brains.”
“Culture is sustained in our synapses…It’s more than what can be reduced to binary codeand uploaded onto the Net. To remain vital, culture must be renewed in the minds of the membersof every generation. Outsource memory and culture withers.”
Our growing use of the Net and other screen-based technologies has led to the“widespread and sophisticated development of visual-spatial skills.” We can, for example, rotate objects in our minds better than we used to be able to. But our “newstrengths in visual-spatial intelligence” go hand in hand with a weakening of our capacities for the kind of “deep processing” that underpins “mindful knowledgeacquisition, inductive analysis, critical thinking, imagination, and reflection.”