Sa araw na ito ay ating pag-uusapan kung ano ang karapatan? Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Kahulugan ng Karapatan
Ito ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kanilang estado sa buhay.
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapwa na igalang ito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi.
Karapatan bilang Kapangyarihang Moral
Moral ito dahil hindi maaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapwa na ibigay sa kaniya ng sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan ay pakikinabangan ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa karapatang ito, may obligasyon ang tao na akuin at tuparin ang
kaniyang mga tungkulin
Mga Uri ng Karapatang Hindi Maaalis (inalienable)
- Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas na antas ng karapatan. Dapat itong mangibabaw sa
ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib. - Karapatan sa pribadong pagmamay-ari. Kailangan ng tao ang mga ari-arian upang mabuhay
ng maayos at maging produktubong mamamayan. - Karapatang magpakasal. May karapatan ang tao na bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
- Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama sa karapatang ito ang lumipat sa ibang lugar na may
oportunidad tulad ng trabaho o kaligtasan sa panganib. - Karapatan sa pananampalataya. Bawat tao ay malayang pumili ng relihiyon na makakatulong sa
kanya upang mapaunlad ang kanyang pagkatao. - Karapatang maghanapbuhay. Ang tao ay may karapatan sa disenteng hanapbuhay upang
mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.
10 Karapatan ng Bawat Batang Pilipino
- Maisilang at magkaroon ng pangalan atnasyonalidad.
- Magkaroon ng tahanan at pamilyang magaaruga.
- Manirahan sa payapa at tahimik na lugar.
- Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan.
- Mabigyan ng sapat na edukasyon.
- Mapaunlad ang kakayahan.
- Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang.
- Mabigyan ng proteksyon laban sa pangaabuso, panganib at karahasan.
- Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.
- Makapagpahayag ng sariling pananaw.
Basahin: Ano ang Tungkulin