Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Kasaysayan ng Pabula
Ipinalalagay na nagsimula ang pabula kay Esopo, isang aliping Griyego sa taong 400 B.C. Siya ay pangit, tuso at matalino ngunit sa kanyang kahusayan sa pagkukuwento ng pabula, siya’y pinalaya at nagkaroon ng tungkulin.
May paniniwala rin na ang pabula ay nanggaling sa Indya at hinango sa Panchantara at Jatakas. Ang Panchantara (limang aklat) ay sinulat sa Kashmir noong 200 B.C. at ito’y itinuturing na pinakamatandang katipunan ng mga pabula sa Indya.
Ang pamagat ng dalawang aklat buhat sa pangalan ng dalawang Lobo (Jackals), Kalilab at Dimab o mga pabula ni Bidpai. Ito’y isinalin sa Persya, Arabik at Latin at nagtamo ng katanyagan sa Europa. Isa pang katipunan ng mga pabula sa Indya ang napatanyag, ito’y tinawag na Jatakas.
Ipinalalagay na ito’y lumaganap noong limang daantaon B.B. Ang Jatakas ay ikinapit ng mga Budhist sa mga kuwentong nauukol sa muling pagkabuhay ni Gautama Buddha. Ayon sa paniniwala bago siya nagging Buddha ay nagpasalin-salin muna siya sa iba’t ibang hayop tulad ng barako, leon, isda at daga. Ang Jatakas ay kuwento sa loob ng isang kuwento na sa hulihan ay may patulang aral. Sa 547 kuwentong Jatakas may 30 lamang ang maaaring pambata. Ang mga kuwentong Jatakas (Eastern Stories and Legends Jatakas Tales) ay tinipon nina Ellen C. Babbit at Marie Shedlock.
Uri at Elemento ng Pabula
Ibat-ibang Elemento ng Pabula
Tauhan
Ang mga tauhan sa isang pabula ay ginagampanan ng mga hayop, kung saan payak ang ginagawang paglalarawan sa mga tauhan. mayroon tayong dalawang uri ng tauhan. Tauhang Lapad at tauhang Bilog. halimbawa ng mga tauhan ay aso,pusa,daga,kalabaw at iba pa.
Tagpuan
Sa tagpuan ay tinutukoy ang panahon lugar o pook kung saan naganap o magaganap ang pangyayari sa kwento. mayroong dalawang uri ng tagpuan. ang payak at pahiwatig.
Banghay
Ang banghay ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pabula. Ito ay mayroong simula,gitna at wakas.
Aral
Sa isang kwento ay dapat hindi nawawalan ng aral, o magandang aral para sa mga mambabasa upang maituwid niya kung ano man ang mga pagkakamali na nagawa niya sa buhay.
HALIMBAWA:
- Ang pagong at ang kalabaw
- Ang magkapitbahay na Kambing at Kalabaw
- Ang matalinong matsing at ang buwaya
- Ang unggoy at ang Pagong
Comments are closed.