Isang halimbawa ng Pabula ay kwento ng matalinong matsing at buwaya. Alamin ang kwento sa baba.
Ang matalinong matsing at ang buwaya
Si Malak, ang matsing at si Buwag, ang buwaya ay magkaibigan. Sila ay nagtutulungan.
Isang araw, ang asawa ni Buwag ay nagkasakit. Lungkot na lungkot si Buwag sa kalagayan ng asawa. Lahat ng gumagamot sa asawa niya ay nagsabing ang makagagaling lamang sa sakit ng kaniyang asawa ay atay ng isang matsing.
Naghanap si Buwag ng maipanlulunas sa karamdaman ng kanyang asawa, Malapit na siya sa isang ilog nang mamataan niya ang kaibigang matsing, si Malak. Lumapit siya sapunong kinauupuan ni Malak.
“Magandang umaga sa iyo, Malak!” masayang bati ni Buwag. “Bakit malungkot ka at nakaharap sa ilog?”
Nais ko sanang tumawid ng ilog pero di ko magawa dahil sa hindi ako marunong lumangoy.” sagot ni Malak.
Biglang pumasok sa isip ni Buwag ang kaniyang pangangailangan. Naisip niyang isakay sa likod niya si Malak at lunurin ito sa ilog para makuha niya ang atay nito. Inalok niya si Malak na sumakay sa kanya at itatawid niya ito. Dali-daling lumundag si Malak sa likod ni Buwag. Hindi alam ni Malak na nanganganib ang kanyang buhay.
Nasa kalagitnaan na sila ng ilog nang sabihin ni Buwag ang balak niyang gawin kay Malak. Natakot si Malak. Unti-unti nang inilulubog ni Buwag ang katawan sa ilog nang mag salita si Malak.
“Kaibigang Buwag, ibalik mo ako sa pinanggalingan ko, naiwan ko doon ang kailangan mong atay. Nakasabit iyon sa sanga ng puno.” Sabi ni Malak.
Naniwala naman ang buwaya sa sinabi ng matsing kaya’t ibinalik niya ito. Agad na lumundag sa itaas ng puno si Malak. Tumayo siya sa isang sanga at nagsalita, “Salamat sa pagsasakay mo sa akin. Ang kai1angan mong atay ay narito sa loob ng aking katawan. Dahil sa kaibigan kita ay ipagkakaloob ko ito sa iyo kung makakaakyat ka rito sa itaas ng puno.”
Ginawa ni Buwag ang lahat ng makakaya niya subalit hindi siya makaakyat sa itaas ng puno. Lumisan ang buwayang bigo sa masamang hangarin sa matsing.
Basahin Iba Pang Halimbawa ng Pabula:
Comments are closed.