– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng Aliterasyon at ilan pa sa mga karagdagang impormasyon ukol dito. Tara na’t simulan na natin!
Ano nga ba ito?
– Ito ay isang uri ng tayutay na gumagamit ng pag-uulit ng unang ponema, titik o tunog upang magbigay ng kakaibang punto o istilo. Ito rin ang hayag na repetisyon ng magkakaparehong inisyal na mga tunog ng katinig sa sunod-sunod o malapit na magkaugnay na mga pantig sa loob ng isang pangkat ng mga salita, kahit na ang mga salita na iba ang pagkakabaybay.
Layunin sa paggamit ng Aliterasyon:
- Ito ay ginagamit upang makalikha ng magandang ritmo o ng mala musikang tunog ang pagbasa ng isang panitikan.
- Ito ay ay nagbibigay ng mas madiin na kahulugan ng mga salita.
- Dahil dito, mas mabilis na naisasaulo ang kabuuan at kahulugan ng isang panitikan.
- Ito ay nagdudulot ng kakaibang aliw at katatawanan ang paggamit ng mga salitang mayroong parehas na tunog at bigkas.
- Ito ay nagiging gabay upang mas lalo pang mahikayat ang mga mambabasa na tangkilikn ang mga lokal na panitikan.
URI NG ALITERASYON
1. Konsonans o Kaayunan
– Ito ang uri ng aliterasyon na ang inuulit ay ang pantig ng mga katinig. Tandaan na hindi letra o titik ang inuulit, bagkus ang tunog lamang ng mga letra ang binibigkas ng halos may pagkapareho.
Halimbawa:
- Mamasa-masa ang lupa sa malawak na maisan sa lupain ni Mang Mario.
- Sabay na hinikayat ang pangkat ng mandaragat.
- Siya ay nagdarasal ng taimtim hanggang umabot ang takip-silim.
2. Asonansiya
– Ito ang uri ng aliterasyon kung saan ang tunog ng patinig lamang ang inuulit mula sa mga magkakaugnay na mga salita.
Halimbawa:
- Aakyat na sana ako ng bus, kaya lang ay aabante na ito.
- Inalay kay Apo ang awitin ng kanyang mga apo.
- Lumabas ang dugo sa malapad niyang noo.
IBA PANG HALIMBAWA NG ALITERASYON:
- Maagang sumugod ang mga sugo ng palasyo upang hulihin ang mga salarin.
- Banta sa mga bata ang hindi pagturok ng bakuna.
- Siya ang may akda at gumawa ng asignatura.
- Ang isip na liko-liko ay sadya namang nakahihilo.
- Tulak ng bibig, kabig ng dibdib, ito ang madalas sambit ng mga taong lubos na umiibig.