– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga detalye ukol sa patinig. Atin nang palawakin ang ating mga kaisipan ukol sa paksang ito. Tara na’t simulan na natin!
Ano nga ba ang Patinig?
– Ang patinig ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. ( a, e, i, o, u).
Ito ay may kaibahan sa katinig dahil ang patinig ay may tinig kung bibigkasin ang mga wikang ginagamit samantalang ang katinig naman kung bibigkasin ay maaaring may tinig o walang tinig kumporme sa ginamit na wika. itinuturing din na ang patinig na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi ng pantig.walang pantig sa filipino na walang pantig
Halimbawa:
Ang patinig ay isa sa dalawang uri ng tunog ng pagsasalita. Mayroong limang patinig sa ating alpabeto. Ang mga patinig na ito ay a, e, i, o at u.
Narito ang ilang halimbawa ng salita na nagsisimula sa patinig.
Patinig “A”
- aklat – katipunan ng mga nilimbag na akda
- alahas – mga sinusuot na oalamuti sa katawan
- abogado – tagapagtanggol sa batas
- abaniko – pamaypay
Patinig “E”
- elepante – isang malaking hayop na may mahabang ilong
- entablado – tanghalan
- eleksyon – botohan
- elisi – isang bagay na umiikot
Patinig “I”
- ilaw – bagay na nagbibigay liwanag
- inidoro – gamit sa palikuran
- imbita – anyaya
- ilong – parte ng katawan na gamit sa pang amoy
Patinig “O”
- okasyon – pagdiriwang
- orasan – bagay na nagsasabi ng oras
- oblong – hugis
- opisina – lugar ng pinagtatrabahuhan
Patinig “U”
- ulan – patak ng tubig na nagmumula sa himpapawid
- uling – karbon ng kahoy
- uhaw – kalagayan ng kasabikang uminom ng tubig
- untog – bunggo