Sa araw na ito ating alamin ang tungkol sa kuba ng Notre Dame. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan upang magsaya para sa “Pagdiriwang ng Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo ang kuba ng Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan.
Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire, ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar.Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa panonood ngnasabing parada. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang nagtangkangmanood ang kaniyang inihandang palabas. Habang isinasagawa ang mga panunuya kayQuasimodo, dumating ang paring si Claude Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusanniya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama niya.
Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La Esmeralda- ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang sunggaban siya ng dalawang lalaki– sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang tulungan ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo kung kaya’t nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari sa pangunguna ni Phoebus – ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian.Dinakip nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkatng mga pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa siyang magpakasal salalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang buhay ni Gringoire sakamatayan.
Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigona ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang lahatng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo- na kailanman ay hindi niya nagawangtutulan dahil sa utang na loob.Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon.
Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubigsubalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya – na ang tanging gusto ay lapastanganinat pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La Esmeralda.Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya.Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda.Tinawag siya ng babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng magnanakaw.”
Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon na ang nakalilipas.
Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat ng NotreDame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni Phoebus samapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda si Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat nang kaniyang marinig ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na magkakilala. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng matinding panibugho sa nasasaksihan.
Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sakaniya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang masamang balak. Nais niyang bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari si LaEsmeralda sa pag-aakalang siya ang may kagagawan ng paglapastangan sa kapitan.
Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang kasalanang hindi niya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at magpakita man lang kahit kaunting awa angdalaga subalit tinawag lamang siya ni La Esmeralda ng tiyanak na monghe at pinaratangangmamamatay tao. Tumanggi siya sa lahat ng alok ni Frollo.
Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang kutyain. Napansin ng dalagaang anyo ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan. Ilang sandali’y dumating si Quasimodo galing satuktok ng Notre Dame patungo kay La Esmeralda gamit ang tali.
Hinila niya paitaas angdalaga patungo sa Katedral at tumatangis na isinigaw ang katagang “Santuwaryo”. SiQuasimodo ay napaibig kay La Esmeralda nang araw na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang magnasang tumulong sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhankung paano itatakas si La Esmeralda sa naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang dalaga ay mananatiling ligtas hangga’t nasa katedral. Sa mga araw na magkasama ang dalawa, mahirap para kay La Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni Quasimodo.
Dinagtagal, naging magkaibigan ang dalawa. Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw– sila angkinikilalang pamilya ni La Esmeralda . Naroon sila upang sagipin ang dalaga sa pagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si LaEsmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga. Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo,sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang pagpipilianng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysamahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na kasama si SisterGudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala niSister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak bago mawala.
Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat. Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktokng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya ang anyo ng dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa kaniyang nasaksihan.Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid niya na maymatinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si Quasimodo.
Nang mamataan niya siFrollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman ay inihulog niya ito mula satore- ang paring kumupkop sa kaniya.Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang minahal– si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng dalaga,sumigaw si Quasimodo,“walang ibang babae akong minahal.” Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo.Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntodang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang katotohanan-nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga.