Ano ang Ortograpiya: Kahulugan at Halimbawa

Sa araw na ito ay ating tatalakayin ang tungkol sa Ortograpiya at ang ibig sabihin nito. Sabay sabay nating alamain at basahin ang mga halimbawa na nakasaad sa ibaba.

Kahulugan ng Ortograpiya?

Ang Ortograpiya ay ang masusi at maingat na pag-aaral may sa pag- babaybay ng mga salita. Kasama din dito ang pagiging tama sa pagbuo ng mga salita gamit ang tamang letra sa pamamagitan ng baybay o espilling.

1.Alibata

Dantaon labing-anim, mayroon nangginamit na alpabet ang ating mga ninuno.Binubuo ito ng labimpitong simbolo nakumakatawan sa mga letra: 14 na katinig at 3 patinig. Tinatwag itong alibata o baybayinAng mga simbolong kumakatawan sa mgaletra ay gaya ng mga sumusunod:

Pagdating ng mga Kastila, pinalitan nila ang alibata ng Apabetong Romano na siya namang piangbayan ngABAKADANG Tagalog.

2. Ang abakadang Tagalog

Ito ay binuo ni Lope K. Santos nang kanyang sulati ang Baralira ng Wikang Pambansa noong 1940. Ito ay binubuo ng dalawampung letra:

Lima ang patinig: a, e, i, o, u

Labinlimang ang katinig: B, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y

Hindi isinama sa dalawampung letraang labing-isamg banyagang letra ng kinabibilangan ng C, CH, F, L, Ñ, Q, R,V, X, Z sapagkat ang mga ito ay ginagamit lamang sa mga pangngalang pantangi. Sa halip ay tinutumbasan ng mga ABAKADA..

Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino (2009)

Ang Komisyon sa Wikang Filipino(KWF) ay nagsa-gawa ng reporma sa alpabeto at tuntunin sa pagbaybay. Tinawag itong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Ang gabay na ito ang ipatutupad simula sa petsang ito.

Ang implementasyon ng 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ay pansamanta-lang ipinatigil noong 2006 at iminungkahing ang 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ang gamiting sanggunian sa pagtuturo at sa korespondensiya opisyal sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006.

Ano ang Ortograpiya?

Ang Ortograpiya o Palatitikang Filipino ay isang sining ng pagsusulat ng mga salita na sumusunod sa isang gabay na binubuo ng mga tuntunin kung paano sumulat gamit ang wikang Filipino.

Ito ay ang paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang pasalita sa paraang pasulat.

Ito rin ay paraan ng pagbaybay, ispeling na ginagamit sa isang wika.

”Orthography” sa english ay pag-aaral ng tamang pagbabaybay o spelling ng mga salita at pag-aaral ng mga titik sa alphabet.

Ito ay ang representasyon ng mga tunog ng wika na nakalimbag na mga simbolo tulad ng alpabeto.

Katangian ng Ortograpiyang Filipino

  • Paglingon sa kasaysayan
  • Mataas na modelo
  • Episyente
  • Pleksible
  • Madali itong gamitin

Pagbabagong Naganap sa Ortograpiyang Filipino

Ang mga kaninunuan natin noon, bago paman dumating ang mga Kastila ay may sarili ng panitikan,
sariling baybayin o alpabeto na kung saan ay hawig ang Wikang Filipino.

Sa pagdating ng kastila, napalitan ang lumang alibata ng alpabetong romano. Itinuturing ngang isa
sa pinakamahalagang impluwensya sa atin ng mga kastila, ang romanisasyon ng ating alpabeto.