Ano ang Panitikan?

– Sa paksang ito, ating malalaman kung ano nga ba ang kahulugan ng Panitikan at upang mas maunawaan ito, ay makikita rin dito ang ilan sa mga halimbawa nito. Tara na’t ating simulan!

Ano nga ba ang Panitikan?

– Ang Panitikan ay tumutukoy sa kahit anong nasusulat na gawa ng tao. Kabilang na dito ang mga libro, nobela, tula at iba pang komposisyong mayroong halaga sa lipunan. Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng kanilang mga nararamdaman, mga naiisip, mga karanasan, at mga hangarin sa pamamagitan ng pagsulat.

Halimbawa:

  1. Alamat – ito ay panulat na nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay kadalasang piksyon.
  2. Maikling Kwento – ito ay ang mga kwentong mapupulutan ng aral.
  3. Dula – ito ay iskrip na ginagamit sa mga pagtatanghal sa entablado at kadalasan ay marami itong yugto.
  4. Sanaysay – ito ay kadalasan naglalaman ng mga personal na paningin ng may-akda sa mga bagay-bagay.
  5. Talambuhay – ito ay nagsasaad tungkol sa buhay ng isang tao, kanyang mga naging karanasan, at iba pang detalye tungkol sa kanya.
  6. Kwenton Bayan – ito ay mga likhang-isip na ang mga tauhan sa kwento ay kumakatawan sa mga uri ng tao.
  7. Balita – ito ay ang komunikasyon na ang layunin ay ihatid sa mga mamamayan ang mga nangyayari sa bansa.
  8. Talumpati – ito ay isang panulat na pagpapahayag ng opinyon o mensahe ng isang tao ukol sa isang bagay o pangyayari. Ito ay ipinapahayag sa ibabaw ng establado
  9. Anekdota – ito ay maikling salaysay na nagtatalakay ng pangyayari sa buhay ng tao.
  10. Nobela – ito ay mahabang panulat na may maraming kabanata at nagtatalakay sa isang kwento at mga sangay nito.
  11. Pabula – ito ay mga maikling kwento na ang mga tauhan ay mga hayop at nagtuturo ng leksyon sa mga mambabasa.
  12. Parabula – ito ay mga maikling kwento na kadalasan ay may pagkakapareha sa mga kwento sa Bibliya.
  13. Alamat – ito ay panulat na nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay kadalasang piksyon.

Basahin: Anyo ng Paniitikan