“Ang Kalusugan ay kayamanan”. Pano mo binibigyan ng importansya ang iyong kalusugan? Sapat ba ang iyong ginagawa upang pangalagaan ito? Bakit Kailangan pangalagaan ang Kalusugan?
Ang kasulugan ay ang pinakamahalagang aspeto ng ating buhay dahil ito ang rason kung bakit tayo nabubuhay. Ang estado ng ating kalusugan ay ang nadidikta sa ating kakayahan na makakilos ng mabuti ng walang iniindang kahit ano na sakit na nararamdaman.
Ito ay tinuturing na yaman natin dahil dito tayo nabubuhay. Kung tayo’y malusog ay mas tatagal ang buhay natin dito sa mundong ating ginagalawan. Mas marami tayong magagawang mga bagay at mararating natin ang ating mga pangarap.
Ang kalusugan ay hindi lamang nakatuon sa pisikal na aspeto. Importante ding konsiderahin ang mental, spiritwal at sosyal na aspeto ng ating sarili.
Paano nga ba natin ito pangalagaan?
Una, kailangan nating gustuhin na maging malusog. Kailangang nakatatak sa isipan ng bawat tao na sa lahat ng kanilang galaw, kahit ano man ito ay palaging unahin ang kalusugan. Sa paraang ito, mas magiging madali sa isang tao na umiwas sa mga bagay na alam niyang nakakasama sakanya lalo na’t sa kanyang kalusugan. Ika nga nila “Prevention is better than cure” kaya’t habang maaga, umiwas na sa mga bagay na nakakasama sayo.
Pangalawa, kapag tayo’y may ibang nararamdaman, huwag na huwag natin tong balewalain. Kailangang magpa konsulta agad sa doktor upang maagapan o matukoy kung may problema man na nangayari sa loob ng katawan.
Panghuli, piliin natin na sumaya. Nakumpirma ng mga eksperto na kapag masaya ang isang tao, nakakdulot ito ng magandang epekto sa kanyang kalusugan. Kaya’t hanggat nabubuhay tayo, piliin nating maging masaya para na rin humaba ang ating buhay.
Bilang isang indibwal, responsibilidad natin na pangalagaan ang ating sariling kalusugan dahil napakalaking epekto nito sa ating buhay. Lalo na’t sa panahon ngayon na may pandemya tayong ikinakaharap, kailangang mas maging maingat tayo lalo na’t ang kalusugan at ang buhay natin ay nasa panaganib.
Dapat nating isipin hindi lamang ang ating mga sarili kundi pati na rin ang mga mahal natin sa buhay dahil mahalaga tayo sakanila. Kapag may iniinda tayong sakit ay sila ang kauna unahang mga tao na mag aalala. Kaya’t alagaan natin ang ating sarili para saatin at sa mga taong nagmamahal saatin.
Sa simpleng pagkakaroon ng magandang nutrisyon base sa ating mga kinakain at ehersisyo, makakatulong ito upang makaiwas sa iba’t ibang mga sakit na puwede nating makuha. “You only live once” ika nga nila. Kaya’t dapat magawa natin lahat ng gusto nating gawin at matupad lahat ng ating mga mithiin ngunit bago mangayri iyon, kailangan nating siguraduhin na tayo’y malusog at malayo sa sakit dahil ito ang magiging hadlang sa mga plano natin na gusto nating makamit o gawin sa buhay.
Simula ngayon, palagi mong iisipin na ang buhay natin ay ipinagkaloob ng Diyos kaya’t kailangan natin to pangalagaan kasama na rito ang ating kalusugan upang magkaroon ng masaya at mahabang buhay kasama ng ating pamilya.