Ano ang balagtasan?
Ang balagtasan ay isang sining kung saan inilalahad sa isang uri ng panitikan ang mga saloobin o mga gustong ipahayag ng isang tao sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli (rhyme).
Itinuturing na sining ang balagtasan dahil hindi lamang sining ng pagbigkas ang nabibigyang-pansin ng mga manonood sa mga nagtatalo kundi maging ang kanilang masining na kumpas ng mga kamay at ekspresyon ng mukha. Maging ang paraang kanilang ginagawa habang nagpapalitan ng matuwid ay kakikitaan ng sining.
Isang pagtatalo na ginagamitan ng pamamaraang patula. Ito ang maikling pagpapakahulugan sa balagtasan. Dahil pagtatalo, ang balagtasan ay nangangailangan ng paksang pagtatalunan.
Sino ang tinaguriang Ama ng Balagtasan?
Si JOSE CORAZON DE JESUS ang tinaguriang Ama ng Balagtasan.
Ang Pinagmulan ng Salitang Balagtasan
Nagsimula ang salitang balagtasan sa orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, ang Balagtas dahil nabuo ito sa panahong ipagdiriwang ang anibersaryo ng kanyang kapanganakan. Kung may Bukanegan ang mga Ilocano na hango sa apelyido ni Pedro Bukaneg, ang kilalang makata ng Iloko/Ilocano; at may Crissotan, ang mga Capampangan na hango sa apelyido ni Juan Crisostomo Soto, ang makata ng Capampangan, higit na nauna ang salitang Balagtasan sa dalawang salitang nabanggit.
Ano ang katangian ng balagtasan?
Ang mga katangian ng balagtasan ay patula, may tugma sa huling pantig, makabuluhan, gumagamit ng marikit st matalinhagang salita.
Kanino Naggaling ang balagtasan?
Ang balagtasan ay nanggaling sa sa pangalang francisco balagtas o tinaguriang siyang francisco baltazar o kiko.
Ang Maikling Kasaysayan ng Balagtasan
Isang maikli ngunit makabuluhan at makasaysayan ang pinagmulan ng balagtasan.
Nabuo ang balagtasan dahil sa isang pagpupulong ng ilang piling manunulat noong Marso 28, 1924 sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres. Pinag-uusapan nila noon ang gagawin nilang programa bilang pagpupugay sa anibersaryo ng
kaarawan ni Balagtas sa Abril 2.
Noong Abril 6, 1924 apat na araw pagkatapos ipagdiwang ang Araw ni Balagtas ay ginanap ang kauna-unahang balagtasan. Isang pagtatalong may iskrip na inihanda ang bawat sasabihin ng tagapamagitan at ng dalawang magtatalo. Ito ay nasa paraang patula. Pagkatapos mabuo ng iskrip ay ipinabigkas ito sa ilang piling mambibigkas ng tula. Lubusang hinangaan ng mga tagapakinig sina Jose Corazon de Jesus na lalong kilala sa tawag na Huseng Batute at Florentino Collantes na mas kilala sa bansag na Kuntil-Butil.
Dahil isa lamang sa kanila ang dapat hiranging ”Hari ng Balagtasan,” napagpasyahan ng komite na nagtatag ng balagtasan na magdaos ng isa pang pagtatalong patula nang walang iskrip. Ginanap ito noong Oktubre 18, 1925 sa Maynila. Dahil sa kahusayang humabi ng mga salita, bumigkas nang may hagod at aliw-iw, at pagpili ng mga salitang may sukat at tugma ay napagpasyahang si Jose Corazon de Jesus ang itinanghal na kauna-unahang ”Hari ng Balagtasan.”
Ang Layunin ng Balagtasan
Ang pangunahing layunin ng balagtasan ay makapagbahagi ng kaisipan at makapagbigay-aliw sa mga tagapakinig / manonood.
Malimit na gumagamit ng ilang katawa-tawang salita o pahayag ang mga mambibigkas ng balagtasan. Magkagayunman ay hindi nawawala ang kasiningan at kahusayan nila sa pagbigkas kasabay ng talas ng kanilang diwa at maagap na pagtugon sa paraang patula.
Ang Paksa ng Balagtasan
Ang mga paksang nauukol sa buhay gaya ng pamilya, pag-ibig, lipunan at politika ang madalas maging paksa ng balagtasan.
Ang dalawang bagay na malimit na pagtalunan sa balagtasan ay ang (1) tahanan o paaralan, (2) ina o ama, (3) dunong o yaman, (4) pangaral o parusa, (5) bitay o habambuhay na pagkabilanggo, (6) guro o sundalo, atb.
Ang Bumubuo ng Balagtasan
Ang balagtasan ay binubuo ng isang Lakandiwa at dalawang mambibigkas na pagtatalunan ang isang paksa.
Ang Pamamaraan ng Pagtatanghal ng Balagtasan
Bukod sa Lakandiwa at dalawang mambibigkas ang paksang pagtatalunan ay napakahalaga sa pagtatanghal ng balagtasan. Dahil dito, napapanahon at mahalagang paksa lamang ang dapat taglayin ng balagtasan.
Ang Lakandiwa ang nagsisilbing tagapamagitan sa dalawang magtatalo. Siya rin ang unang magasasalita at babati sa mga tagapakinig at tagapanood, (2) ang pormal na magbubukas ng balagtasan, (3) ang magpapakilala sa dalawang magtatalo, (4) ang magbibigay ng desisyon kung sino sa dalawang nagtatalo ang nagwagi, at (5) ang
magpipinid ng balagtasan.
Samantalang ang dalawang nagtatalo ay kailangang magharap ng mga ebidensya at magpaliwanag nang buong husay upang makumbinsi nila ang Lakandiwa na sa kanila pumanig.
Halimbawa ng Balagtasan
SIPAG O TALINO
LAKANDIWA:
Ako itong lakandiwang nagbuhat pa sa Bulacan.
Buong galang na sa inyo’y bumabati’t nagpupugay.
Taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay.
Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi’y balagtasan.
Paksang aking ilalatag, pakiwari’y mahalaga.
Pagkat nasasangkot dito’y bayan nating sinisinta.
Sa pag-unlad nitong bayan, puhunan ay ano baga,
Ang SIPAG ba o TALINO, alin ang mas mahalaga.?
Kaya’t inyong lakandiwa ay muling nag-aanyaya
ng dalawang mambibigkas na mahusa’y at kilala.
Ang hiling ko’y, salubungin ng palakpak ang dalawa.
Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.
SIPAG:
Kapag baya’y umunlad. Ang pagko’y pinupukol.
Sa gobyerno at mga tao, sama-sama’t tulong-tulong.
Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati’y ano ngayon?
Wala na ngang pagbabago. Kabuhaya’y urong-sulong.
Kasipaga’y puhunan nating lahat sa gawain,
Maliit man o malaki, mahirap man ang gampanin.
Kung ang ating kasipagan, itatabi’t magmamaliw.
Maunlad na Pilipinas, di natin masasalapi.
TALINO:
Akong aba’y inyong lingkod, isinilang na mahirap,
at ni walang kayamanan, maaaring mailantad.
Pamana ng magulang ko ay talinong hinahangad,
Pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad.
Sa gobyerno at lipunan, mga tao’y may puhunan
Na kanilang tataglayin, habang sila’y nabubuhay.
Ang talino’y nagbubuklod, sa pambansang kalayaan,
Nagbibigkis sa damdamin, makayao’t makabayan.
LAKANDIWA:
Matapos maipahayag ang panig ng magtatalo,
Ngayo’y aming ihahanda, tayog ng inyong talino
Bawat isa’y papalaot sa napapanahong isyu
Kaya’t inyong timbangin upang inyong mapagsino.
SIPAG:
Sa tuwing may magaganap na halalan sa’ting bayan,
Sinusuring kandidata, may nagawang kabutihan,
Kung anong kursong natapos ay hindi na inaalam.
Kakayahan n’ya at sipag, tanging pinag-uusapan,
Aanhin mo ang talino kung di naman nagagamit,
Mga tao’y umaasa, lalo’t sila’y nagigipit.
Matalinong naturingan, tamad naman walang bait.
Kawawa lang itong bansa, mga luha ang kapalit.
TALINO:
Nalimutan ng kantalo, mga bayaning namatay,
Na nagtanggol sa ‘ting bayan , ng laya ay makamtan.
Kung di dahil sa talino, taglay nila nung araw,
Hanggang ngayon, tayong lahat, alipin pa ng dayuhan.
Mga naging presidente o senador at kongresman.
Lahat sila ang talino ay di natin matawaran.
Mga batas na ginawa’t pinatupad sa ‘ting bayan,
pinuhunan ay talino , kaya’t sila’y naging gabay.
SIPAG:
Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa,
Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala.
Utos ditto, utos doon, sila’y di gumagawa,
kaya’t laging nababalang kapakanan naming dukha.
Samantalang kung masipag itong mga punong halal,
Sa problema’t kalamidad, sila’y laging naririyan,
Hindi na kailangang tawagin sila kung saan,
Sapagkat pagtulong nila ay kambal ng kasipagan.
TALINO:
Tila yata nalimutan nitong aking katunggali,
Sa pagtulong ay talino ang gamit palagi,
Pag mayroong kalamidad, manloloko’y nariyan lagi,
Kaya’t anong mahalaga, Talino’y ipagbunyi.
Matataas na gusali, Super market, public mall,
Fly overs, sky ways, at ibat-ibang komunikasyon.
Lahat ng yan ay nagawa, talino ang naging puhon,
Kaya’t bayan ay umunlad, ang biyaya’y tuloy-tuloy.
SIPAG:
SIPAG ANG KAILANGAN !!
TALINO:
TALINO ANG PUHUNAN !!
SIPAG:
Matalino nga, tamad naman!
TALINO:
Ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag.
SIPAG:
Sipag.!
TALINO:
Talino.!
LAKANDIWA:
Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa.
Pagtatalo nitong dalwang mahuhusay na makata,
Pagkat tila nag-iinit, at kapwa di masawata.
Inilahad na katwiran, nakatatak sa ating diwa,
Ang talino ay biyaya’t kayamanang handog ng Dyos,
Lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa’t loob.
Kasipagan at talino, pagsamahing walang toos,
Kaya’t dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos.
Ang talino’y siyang utak sa balangkas ng paggawa.
Ang sipag nama’y s’yang bisig sa planong binabadya.
Kung ang isa’y mawawala, walang silbing magagawa.
Kaya’t kapwa mahalaga. PANALO SILANG KAPWA!!