– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang isa sa pinakamagandang tanawin sa buong Pilipinas. Alamin natin kung ano nga bang meron dito at bakit napasama ito sa magagandang tanawin. Tara na’t ating alamin!
Napakaganda diba? Hindi mo aakalain na ito ay nasa Pilipinas lamang. Ito ang sikat na BANAUE RICE TERRACES.
– Ito ay ay matatagpuan sa probinsya ng Ifugao. Ito ay hagdang-taniman ng mga katutubo kung saan ito ay binuo gamit ang kaunting kagamitan at kanilang mga kamay sa mahabang panahon. Ito ay tinawag din na “Eight Wonder of the World” dahil sa taglay na kagandahan nito. y may mahigit-kumulang na taas ng 1,500 metro at may lawak ng 10,000 kilometro kuwadrado. Dati rin itong kinikilalang Hagdan-hagdang Palayan Patungong Kalangitan.
Maliban sa kanyang idinudulot na mabuti sa usapang panturismo, ang hugis din ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue ay isang matipid na paraan ng pagsasaka. Ito ay dahil matipid ito sa lupa at pinapabagal nito ang agarang pagdaloy ng tubig sa paanan ng bundok. Bukod dito, ang mala-hagdang hugis din nito ay napipigilan ang pagguho, at nagaalok ng mainam na kondisyon para sa mga pananim na tulad ng palay. Ang mga puno kagubatan sa tuktok ng mga bulubundukin ay sumasalo ng ulan, upang ang tutulong tubig na dadaan sa sinaunang irigasyon na ginawa ng mga katutubo ay mineralisado.
Hindi lang ito isang tanawin, simbolo rin ito na sumasalamin sa pagkatao ng mga Pilipino, bilang isang masipag, malikhain, matiyaga at matatag sa kabila ng anumang pagsubok at dagok ng buhay kaya’t kailangang bigyan natin ito ng halaga at maging proud tayo sa sariling atin.