Ang Ibong Adarna ay isang koridong Tagalog na isinulat ng hindi kilalang may-akda. Ang buong pamagat nito ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana sa kahariang Berbania.
Basahin: Mga Tauhan Sa Ibong Adarna
Buod ng Ibong Adarna
Mula sa kahariang Berbanya ay may isang pamilya na ubod ng bait.Sila’y sina Haring Fernando Donya Valeriana at ang kanilang mga anak ay sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Ang tatlong prinsipeng ito ay bihasa sa paghawak ng sandata.
Minsan isang gabi, ang hari ay nanaginip na si Don Juan ay sinaktan ng dalawang tampalasan at kanilang inihulog sa balon. Ito ang naging dahilan kung bakit siya’y nagkasakit. Napag-alaman na ang maaari lamang makapagpagaling dito ay ang awit ng Ibong Adarna na matatagpuan sa bundok ng Taborsa puno ng Piedras Platas.Inatasang hanapin niDon Pedro ang ibon ngunit siya’y naging bato lamang.
Sumunod na ipinadala ay si Don Diego ngunit pareho lamang ang naging kapalaran nila ni Don Pedro. Kung kaya, sa ayaw at sa gusto ng hari ay napilitang bigyan ng pahintulot si Don Juan na hulihin ang Ibong Adarna at hanapin ang kanyang dalawang kapatid. Dahil na rin sa kabutihang taglay ni Don Juan ay natulungan siya ng ermitanyo sa kanyang pakay. Ngunit inalihan ng inggit si Don Pedro kung kaya pinagbalakan nila ito ni Don Diego ng masama upang di sila lumabas na kahiya-hiya sa kanilang amang hari. Nang sila’y makabalik sa kaharian, ang sakit ng hari ay lalo pang lumubha dahil sa di nila mapaawit ang ibon.
Samantala, si Don Juan ay pinagyaman ng isang matanda kung kaya siya ay gumaling at madaling nakauwi sa kaharian. Dito na nalaman ng hari ang katotohanan sapagkat pagkakita pa lang ng Ibong Adarna kay Don Juan ay nagsimula na itong umawit na ang nilalaman ay isang pagtatapat ng mga naganap. Kundi kay Don Juan, malamang na naparusahan na ang kanyang dalawang kapatid.
Pinabantayang mabuti ang Ibong Adarna sa tatlong magkakapatid upang di ito makawala dahilan sa ito ang nakapagpagaling sa hari. Ngunit dahil sa pangalawang kabuktutan ni Don Pedro ay lumipad ang ibon at si Don Juan ang napahamak. Naglayas na lamang si Don Juan sapagkat takot siya sa kaparusahang igagawad sa kanya ang hari sa pagkawala ng ibon.
Ipinahanap ng hari si Don Juan kina Don Pedro at Don Diego. Nagkita ang tatlong magkakapatid sa Armenya at napagpasyahang doon na lamang manirahan. Nakakita sila ng balon at tanging si Don Juan lamang ang nagkaroon ng pagkakataong makababa sa loob nito. Dito ay natagpuan niya sina Donya Juana at Donya Leonora at binantayan ng higante at ng serpiyente. Ngunit dahil sa galing niya ang bawat isa ay nailigtas ang dalawang prinsesa. Dito na sumunod ang ikatlong kabuktutang ginawa ni Don Pedro at Don Juan. Pinutol niya ang lubid na pinaglalambitinan ni Don Juan nang ito’y bumalik sa loob ng balon upang kunin ang naiwang singsing ni Donya Leonora. Madaling napaibig ni Don Diego si Donya Juana kung kaya pagbalik sa kaharian ay agad silang nagpakasal samantalang si Donya Leonora sa kabila ng panunuyo ni Don Pedro ay di naman niya naibigan.
Samantala, si Don Juan ay tinulungan ng enkantadong lobo kung kaya madaling nagbalik ang kanyang lakas. Dumating ang Ibong Adarna at sinabing may isang prinsesa sa Reyno delos Cristales na siya niyang talagang kapalaran. Di nagdalawang –salita ang ibon at ito’y kanyang hinanap. Ngunit ubod pala ng bagsik at lupit ang ama ng prinsesang ito. Ngunit sa kabila ng napakaraming pagsubok sa kanya ng haring Salermo ay napagtagumpayan niya ito sa tulong ni Maria Blanca na anak ng hari. Ngunit dahil sa kahigpitan ng hari ay tumakas ang dalawa na taglay ang sumpa ng ama na gagapang si Maria Blanca na parang kuhol at malilimutan siya ni Don Juan.
Nang sumapit ang dalawa sa kaharian ng Berbanya ay saglit muna iniwan si Maria sa isang nayon upang mabigyan ng magandang pagsalubong ang prinsesa sa kaharian. Pagsapit ni Don Juan sa palasyo ay agad sumalubong ang inang reyna at si Leonora kung kaya nakalimutan niya si Maria.
Itinakda ang kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Dumalo si Maria na suot ang emperatris. Pinilit niyang makaalala si Don Juan sa nakaraan sa pamamagitan ng dala niyang handog. Ipinilit naman ni Leonora ang kanyang karapatan. Nagpasya ang Arsobispo na dapat na maikasal si Leonora kay Don Juan. Dito na nagalit si Maria at pinabaha ang buong kaharian. Dito na natauhan si Don Juan at ipinasya niyang pakasal na kay Maria samantalang si Leonora ay kay Don Pedro.
Pumalit na hari ng Berbanya si Don Pedro samantalang si Don Juan ay ginawang hari sa reyno delos Cristales.
Comments are closed.