– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang epekto ng Globalisasyon at kung gaano ba kalaki ang epekto nito sa Ekonimiya. Tara na’t sabay sabay nating alamin.
Ano nga ba ang epekto nito sa ating ekonomiya?
– Ito ay nakakatulong sa Pilipinas upang umunlad ang ekonomiya nito. Nagkaroon ng mga bagong teknolohiya na nagagamit natin ngayon. Naging madali rin ang palitan ng produkto. Nagkaroon tayo ng makabagong kaalaman sa medisina. Napabuti din nito ang ugnayan natin sa ibang bansa. Nagtulungan ang mga bansang ito upang makamit ang kaunlaran ng bawat isa. Sa kabilang banda, dahil sa globalisasyon ay unti unti na rin nating nakakalimutan ang ating kultura. Maraming tao ang pinipili na mag aral ng wikang dayuhan kaysa sa sarili nating wika.
Ito ang iba pa sa mga epekto ng Globalisasyon sa ating ekonomiya:
- Nagkaroon ng trabaho ang mga Pilipino
- Nagpokus sa development
- Napaunlad ang komunikasyon at transportasyon
- Nakakagamit tayo ng mga makabagong produkto
- Mayroong palitan ng ideya sa bawat bansa