– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang ilan sa mga halimbawa ng personipikasyon. Tara na’t sabay sabay nating palawakin ang ating mga isipan sa paksang ito. SImulan na natin!
Bago tayo magtungo sa mga halimbawa, atin munang balikan ang kahulugan nito
Ano ang Personipikasyon?
Ang personipikasyon ay isang tayutay na gumagamit ng mga katangian ng mga tao at inihahantulad sa mga mga bagay na walang talino tulad ng hayop, bagay, at iba pa. Ito ay tinatawag ding pagtatao, pagsasatao, o pagbibigay-katauhan.
– Tumutukoy ito sa katangiang higit na naglalarawan sa kung ano o sino siya ayon sa pangmalas ng iba o ng maraming tao. Nagpapakilala ito ng katauhan ng isa upang higit siyang makilala at tanggapin ng ibang tao.
Halimbawa:
- Lumilipad ang oras kapag kasama mo ang iyong mahal.
- Nakatingin sa akin ang buwan ngayong gabi.
- Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
- Sumayaw ang mga bituin sa langit.
- Humagulgol ang hangin.