Ang salawikain o tinatawag na proverbs sa wikang ingles ay binubuo ng mga parirala na karaniwan ay nasa anyong patula na kung saan ito ay nagbibigay ng gintong aral. Ang mga salawikain ay nagmula pa sa payo o pahayag ng ating mga ninuno batay sa kanilang sariling karanasan sa buhay
Halimbawa ng Salawikain Tungkol Sa Buhay
Ang taong mabait walang nagagalit.
Ang taong masama, walang natutuwa.
Sa puso ng saging ay hintayin ang piling,
upang malaman mo ang bungang kakanin.
Ang sigaw ay malapit;
ang bulong ay malayo ang sapit.
Maliit man daw ang sili, ay may anghang na sarlli.
Mapipilit ang maramot, ang hindi’y ang walang sinop.
Ang lahat, may kasukat.
Kung ano ang haba, siyang sukat;
kung ano ang laki siyang bigay.
Pag nasunog ang kusinaan, damay pati kabahayan.
Matalas man ang tabak, mapurol din kung nakasakbat.
Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
Sala sa lamig,
sala sa init.
Ubos-ubos biyaya,
pagkatapos nakatunganga.
Walang humawak ng lutuan,
na hindi naulingan.
Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.
Yaong mapag-alinlangan,
madalas mapag-iwanan.
Kung saan nahihilig, duon din nabubuwal.
Walang halaga ang sandata na di ginagamit sa pakikibaka.
Sa biruan nagmumula ang alitang malulubha,
titis kasi palibhasa na lumilikha ng siga.
Kunwaring matapang bagkus duwag naman.
Madali ang maging tao,
mahirap magpakatao.
Magandang pamintana,
masamang pang kusina.
Magbiro ka sa lasing,
huwag sa bagong gising.
Magkupkop ka ng kaawa-awa,
langit ang iyong gantimpala.
Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.
Matapang sa kapwa Pilipino,
susukot-sukot sa harap ng dayo.
Nagpapakain ma’t masama sa loob,
ang pinakakain hindi nabubusog.
Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa.
Pag may hirap,
may ginhawa.
Pag may kalungkutan,
may kasiyahan.
Pagkapawi ng ulap,
lumilitaw ang liwanag.
Pulutin ang mabuti,
ang masama ay iwaksi.
Sa larangan ng digmaan,
nakikilala ang matapang.
Sagana sa puri,
dukha sa sarili.
Ang maniwala sa sabi-sabi’y walang bait sa sarili.
Kadalasan, ang karikta’y ginagawang isang bitag upang siyang ipanghuli noong ibig ipahamak.
Kung aakyat ka nga’t mahuhulog naman,
mabuting sa lupa’y mamulot na lamang.
Kung ano ang itinanim,
iyon din ang aanihin.
Kung ano ang puno,
siya ang bunga.
Kung binigyan ng buhay,
bibigyan din ng ikabubuhay.
Kung gaano kataas ang lipad,
gayon din ang lagapak pag bagsak.
Kung sino ang masalita,
siyang kulang sa gawa.
Ang bulsang laging mapagbigay,
hindi nawawalan ng laman.
Anuman ang gagawin,
makapitong iisipin.
Anuman ang gawa at dali-dali,
ay hindi iigi ang pagkakayari.
Bago mo sikaping gumawa ng mabuti,
kailangan mo munang igayak ang sarili.
Daig ng maagap ang taong masipag.
Di lahat ng kagalingan ay may dalang katamisan.
Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan.
Gawin mo sa kapwa mo,
ang nais mong gawin nila sa iyo.
Huwag magbilang ng manok,
hangga’t hindi napipisa ang itlog.
Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.
Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.
Ang puri at ang dangal,
mahalaga kaysa buhay.
Ang taong tamad kadalasa’y salat.
Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo.
Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago?
Mabuti pa ang bahay kubo ang nakatira ay tao.
Ako ang nagbayo. Ako ang nagsaing.
Saka ng maluto’y iba ang kumain.
Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang,
tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran.
Ang bayaning nasugatan,
nag-iibayo ang tapang.
Ang liksi at tapang, kalasag ng buhay.
Ang buhay ay parang gulong;
minsang nasa ibabaw,
minsang nasa ilalim.
Ang akala’y nakamura, namahalan pala.
Ang hindi napagod magtipon,
walang hinayang magtapon.
Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.
Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.
Ang lumalakad nang mabagal,
kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin,
kung matinik ay malalim.
Nakakatulad mo’y pusang nabanlian
tubig mang malamig ay tinatakbuhan.
Walang malaking nakapupuwing;
walang maliit na nakahihirin.
Ang di lumilingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan.
Kahit na ang usa’y mabilis tumakbo kung sa tiyaga nama’y sa pagong na ako.
Di baling mabasag ang pinggan,
kung sa sariling paminggalan.
Basahin Iba Pang mga Halimbawa ng Salawikain
- Salawikain tungkol sa Pamilya
- Salawikain Tungkol sa Kaibigan
- Salawikain Tungkol sa Katapatan
Comments are closed.