Ang Sanaysay ay tinatawag na “essay” sa wikang english. Ito ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito. Narito ang isang halimbawa ng Sanaysay tungkol sa Pandemya.
Ang Pandemya
Ang pandemya ay isang masalimuot na nangyari sa buong mundo dahil sa Covid-19 Virus. Buong mundo ay natigil ang nakasanayang pang araw-araw na buhay. Sa ibat-ibang panig ng mundo nagkaroon ng tinatawag na lockdown para mabawasan ang pagkalat ng virus na nagdulot ng pandemya at kahirapan sa buong mundo.
Ngayon nga ay unti-unti ng bumabalik sa normal ang takbo ng buhay ng mga tao dahil yan sa vaccine na ginawa at dahil din sa vaccination program ng ibat-ibang bansa. Nagsimula man sa masalimuot na bahagi ng nakaraang dalawang taon ang landas na tinatahak ng bawat isa ay may maganda pa ring naidulot ang pagkakaroon ng pandemya.
Una na dyan ang pagtanto na ang buhay ay pwedeng mawala kahit anong oras ng hindi inaasahan. Pangalawa, nagbigay ito ng pagkakataon sa mga tao para makapagmuni-muni kung ano talaga ang mga importante sa buhay. Pangatlo, nagdulot ito ng katatagan sa bawat isa para suungin ang buhay sa hinaharap ng masmatatag at mas matapang.
Ang pandemya ay nagturo sa atin para lumaban kahit anong antas man ng buhay meron tayo at kung ano man ang pinagdadaanan natin para ipagpatuloy ang hinaharap ng may pag-asa.
Basahin: Mga Elemento ng Sanaysay
Comments are closed.