– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng Interaksyonal. Atin ding makikita ang ilan sa mga halimbawa upang mas maunawaan natin! Tara na’t simulan natin!
Ano nga ba ang Interaksyonal?
– Ito ay bumubuo at nagpapanatili ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa. Bukod rito, ang interaksyunal na gamit ng wika ay mayroong dalawang pangunahing daluyan. Karagdagan, mayroon ring kasanayang kailangang malawan upang mapanatili ang ugnayan ng dalawang o higit pang tao.
Halimbawa:
Nakita mo ang kaibigan mo sa mall ngunit kasama niya ang kanyang pamilya, kaya naman nag batian lang kayo at nag paalaman ng mabilisan.
Isa rin sa mga halimbawa nito ang kuwentuhan. Dito, mayroong paksang tinatalakay ang mga tao. Matapos ang kuwento ng isa, maaaring dumagdag ang mga kasama mo sa kwento o kaya’y mag kwento rin ng karanasang may kaugnayan sa paksa.