– Sa paksang ito, ating matututunan kung ano nga ba ang kahulugan ng Idyolek. Makikita rin natin dito ang ilan sa mga halimbawa para mas maunawaan natin ito. Tara na’t ating alamin at palakawakin ang ating mga kaisipan ukol dito.
Ano nga ba ang Idyolek?
– Ang idyolek ay isang uri ng barayti ng wika. Ito ay tumutukoy sa nakagawiang paraan ng pagsasalita ng isang tao o pangkat ng mga tao. Ito ang natatangi o naiibang istilo ng pananalita. Ang pagkakaiba ay dulot ng iba’t ibang sanhi. Ito ay maaaring dahil sa pagbigkas, diin at tono ng mga salita o parirala.
Mga halimbawa ng Idyolek:
Ang bawat tao ay nagkakaroon ng sariling tatak dahil sa idyolek. Sa katunayan, ang ilang personalidad ay madaling natatandaan dahil sa kanilang kakaibang pananalita. Narito ang ilang halimbawa:
- Ang pagsasabi ng “Excuse me po!” at “Hindi namin kayo tatantanan!” ni Mike Enriquez
- Ang “Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
- “The Buzz” ni Boy Abunda
- Ang malumanay na pananalita ni Charo Santos Concio sa kanyang programang Maalala Mo Kaya.
- Ang malumanay na pagsasalita at pagkanta ni Moira Dela Torre