Kahulugan ng Lipunan
Ang lipunan ay isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat indibidwal na binabahagi ang ibat-ibang kultura at mga institusyon.
Ang lipunan ay kinapapalooban ng pamilya, mga institusyon at ibat-ibang istuktura sa paligid. Pagkakaisa ang pangunahing katangian na makikita sa isang lipunan.
Ang lipunan ay tinatawag na malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang nabubuong pag-uugali, ideya, at mga saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo, at itinuturing ang mga sarili bilang isang pamayanan o yunit. Wika, sa malamang ang nauna sa kultura at lipunan. Ang wika o pagsasalita ay kauna-unahang gawi ng isang nilalang. Wika o pagsasalita ang gamit para makipag-ugnayan ang mga tao sa kapwa nito mga tao. Sa pakikipag-ugnayan ay nabubuo ang isang kultura. At dahil naman sa pagdami ng kultura ng mga tao ay nakabubuo tayo ng isang lipunan.
Ang Estado sa Lipunan ay binubuo ng pamilya dahil ito ang pundasyon at nagpapatatag ng isang komunidad. Kaya mahalaga na maipamalas ng bawat isa ang knilang kakayanan para mapabuti ang isang lipunan.
Ang isang lipunan ay kinapapalooban din ng ibat-ibang relihiyon at mga sekta. Ang panlipunang Institusyon o organisasyon ay ang mga sistematikong organisasyon na may mga napagkasunduang mithiin, layunin, mga interes at mga misyon. Kaya dapat nating maunawaan na ang lahat ng mga tao sa mundo ay may kani-kaniyang papel sa lipunan. Ang kultura o mga nakaugalian ng mga tao sa isang lipunan.
Layunin ng Lipunan
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga layunin na mayroon ang isang lipunan:
- Maibigay ang pangangailangan ng mga mamamayan – ang pangunahing layunin ng isang lipunan ay mapunan ang mga pangangailangan na mayroon ang mga mamamayang kabilang dito. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng lipunan, mas napadadali ang pagbibigay ng ayuda para sa masa
- Gabayan ang mga mamamayan tungo sa mabuting hangarin – layunin ng isang lipunan na bigyan ng maayos na edukasyon ang mga mamamayang kabilang dito
- Bigyan ng proteksyon ang mga mamamayan – sa pamamagitan ng pagbibigay ng karapatan para sa bawat mamamayan, nabibigyan sila ng karapatan laban sa pang aabuso
- Panatalihin ang kaayusan sa isang komunidad – nagbibigay ang lipunan ng proteksyon tulad ng kapulisan para mapanataili ang kaayusan sa isang komunidad
Ang tunay na layunin ay ang pagkakaisa o kolektibong pagkilos ng bawat mamamayan upang makamit ang kabutihang panlahat at ang pag-unlad para sa bawat isa.