– Sa paksang ito, ating pag aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng Etimolohiya. Tara na’t ating palawakin ang ating kaisipan ukol dito.
Ano nga ba ang Etimolohiya?
– Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “etumologia” na ang ibig sabihin ay may ibig sabihin o may kahulugan. Dito nalalaman kung saan nagmula o paano nabuo ang isang salita. Ito rin ay tumutukoy sa kung paano nababago ang anyo at kahulugan ng salita sa paglipas ng panahon. Sa kahulugan na ito, ang etimolohiya, bilang isang larangan ng pag-aaral na nauugnay sa philology at makasaysayang linguistik , naglalayong siyasatin, suriin at matukoy ang pinagmulan ng mga salita, ang dahilan ng kanilang pag-iral, pati na rin ang ebolusyon ng kanilang kahulugan (kung magkakaroon) at ang anyo nito .